Ang mga Haligi ng Pananampalataya

Ang mga Haligi ng Pananampalataya  

Ang mga pinaniniwalaan sa pananampalatayang Islam ay tinatawag na mga Haligi ng Pananampalataya (Iman); ito ay ang mga sumusunod:

Ang Paniniwala sa Allah:  

Ito ay nangangahulugan ng paniniwala sa Kanyang pananatili, at Siya lamang ang karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba. Siya ay walang Katambal (sa Kanyang Pagka-Diyos), walang katulad o karibal sa Kanyang Ruboobiyah4, Uloohiyah5, at sa Kanyang mga Magagandang Pangalan at Katangian6. Siya ang Lumikha ng lahat ng mga bagay na nakikita at hindi nakikita. Siya rin ang Nag-mamay-ari ng mga ito, at Siya ang Nagsasa-ayos ng lahat ng nangyayari. Ang mga naisin lamang Niya ang mangyayari, at Siya lamang ang Tanging Nag-iisang nararapat sambahin. 

Winika ng Allah sa Banal na Qur′an:  Sabihin, “Siya ang Allah, ang Nag-iisa, “Allah, As-Samad (walang hanggan, ang ganap, sandigan ng lahat) “Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak, “At Siya ay walang katulad (112:1-4)

Ang Paniniwala sa mga Anghel ng Allah:  

Ito ay upang paniwalaan na ang mga Anghel ay totoo. Walang sinuman ang nakababatid sa kanilang hustong bilang maliban sa Dakilang Lumikha – ang Allah. Nilikha lamang Niya ang mga ito upang sumamba sa Kanya.  

Sinabi ng Allah: Hindi kailanman magagawang hamakin ng Mesiyas ang pagiging isang alipin ng Allah, at maging ang mga anghel na sadyang malalapit (sa Allah) (4:172)

Ang mga Anghel ay walang bahagi sa anumang katangian ng Allah, hindi rin Niya anak sila. Magkagayon sila′y nilikha lamang ng Allah upang sumunod sa anumang Kanyang ipinag-uutos sa kanila.

Ang mga Anghel ay walang bahagi sa anumang katangian ng Allah, hindi rin Niya anak sila. Magkagayon sila′y nilikha lamang ng Allah upang sumunod sa anumang Kanyang ipinag-uutos sa kanila

Sinabi ng Allah: At sila ay nagsabi: «Ang Mahabagin (Ar-Rahman) ay nagkaroon ng anak (na lalaki).» Luwalhati sa Kanya! Sila (na itinuturing na mga anak ng Allah katulad ng mga anghel, ni Jesus, ni Ezra, atbp.) ay walang anupaman maliban sa sila ay mga mararangal na alipin (lamang ng Allah). Sila ay hindi nangungusap hanggang Siya ay makapangusap, at sila ay tumatalima sa Kanyang Kautusan.. (21:26- 27)

Ang Paniniwala sa mga Aklat ng Allah:  

It is to believe that Allah revealed Divine Books to His Messengers in order for them to be conveyed to humankind. These Books contained nothing but the truth at the time of revelation. All these Books called people to the Oneness of Allah, and that He is the Creator, Sovereign and Owner, and to Him belong the beautiful Names and Attributes. Some of these Books are as follows Tagapanustos, Nagmamay-ari ng lahat, at sa Kanya lamang ang mga Magagandang Pangalan at Katangian. Ang ilan sa mga Aklat na ito ay ang mga sumusunod

  • Ang Suhuf (Ang Kalatas ni Abraham): Ang Suhuf ay Banal na Kasulatan na ipinahayag kay Propeta Abrahamthe Prophet Abraham.

  • Ang Torah (ang Batas): Ang Torah ay ang Banal na Aklat na ipinahayag kay Propeta Moses

  • Ang Zaboor (Salmo): Ang Zaboor ay ang Banal na Aklat na ipinahayag kay Propeta David.

  • Ang Injeel (Ebanghelyo): Ang Injeel ay ang Banal na Aklat na ipinahayag kay Propeta Jesus

  • Ang Banal na Qur′an: Bawa’t isa ay dapat maniwala na ang Qur′an ay mga Salita ng Allah na ipinahayag kay Propeta Muhammad  sa pamamagitan ni Anghel Gabriel. Ito ang panghuli sa mga Banal na Aklat na siyang nagpawalang-bisa sa lahat ng mga naunang mga Aklat.

Ang Paniniwala sa mga Sugo ng Allah:

Ito ay ang paniniwala ng ang Allah ay pumili ng mga pinakamabuting tao sa sangkatauhan upang maging mga Sugo na Kanyang ipinadala sa Kanyang mga nilikha na may natatanging mga batas; ang sumamba at sumunod lamang sa Kanya, at upang itatag ang Kanyang relihiyon (Islam) at ang Kanyang Tawheed (Kaisahan ng pagsamba sa Kanya). Ang Allah ay nag-utos sa Kanyang mga Sugo na ipalaganap ang mensahe sa tao, nang sa gayo’y wala nang maipangangatwiran pa ang tao sa Allah pagkaraang ipadala ang Kanyang mga tagapagbalita

Ang Allah ay nagwika : At wala Kaming isinugong nauna sa iyo (O Muhammad) maliban sa mga taong binigyan Namin ng pahayag. Kaya, tanungin ang mga angkan ng kasulatan kung hindi ninyo ito nababatid. (21:7)

Ang unang Sugo ay si Noah at ang panghuli ay si Muhammad .

Ang Paniniwala sa Huling Araw:

Ito ay ang paniniwala na ang buhay sa daigdig na ito ay katunayang
magwawakas.
Ang Allah ay nagwika: Sinumang nasa ibabaw nito (ng mundo) ay maglalaho. At ang Mukha ng inyong Panginoon na Tigib ng Kadakilaan at Kaluwalhatian ay mananatili magpakailanman. (55:26-27) 


Kasunod nito, ibabangong muli ng Allah ang lahat ng Kanyang nilikha, upang magsulit at gantimpalaan yaong mga may mabubuting gawa, bunga ng kanilang pagiging matuwid, paniniwala (sa Allah) at makakasama ng kanilang mga Propeta at Sugo sa buhay na walang hanggan sa Jannah (Paraiso)

Parurusahan Niya yaong mga nakagawa ng masasama, yaong mga hindi sumampalataya, at hindi naging masunurin sa kanilang mga Sugo, sa walang hanggang kaparusahan sa Apoy ng Impiyerno.

Ang Paniniwala sa Qadaa′ at sa Qadar (Itinakdang Kahihinatnan):

Ito ay paniniwalang alam na ng Allah ang lahat ng bagay bago pa Niya ito likhain, at anuman ang mangyayari sa mga ito pagkatapos. At dadalhin Niya ito sa kaganapan, ang lahat ay naaayon sa Kanyang Kaalaman at Panukat. Ang Allah ay nagwika: …Siya ang lumikha ng lahat ng bagay, at sinukat ito sa wastong sukat (55:26-27)

Ang paniniwalang ito ay hindi sumasalungat sa katotohanang dapat magsikap ang sinuman upang maabot ang ilang mga bagay. Ang paniniwala sa Banal na Panukat ay nagbubunga ng mga sumusunod:

  • Ang Paniniwala sa Qadaa′ at Qadar ay nagbubunga ng malinaw na konsiyensya at pagkakaroon ng kapayapaan ng puso. Walang puwang sa sinuman ang makararamdam ng kalungkutan tungkol sa kung ano ang naging bunga o kaya naman ay kung ano ang kinahinatnan nito.

  • Naghihikayat ito ng kaalaman at pagtuklas sa anumang nilikha ng Allah dito sa daigdig. Mga dalamhati, katulad ng maraming uri ng karamdaman na siya na ring nagtutulak sa tao upang humanap ng lunas para dito sa pamamagitan ng pananaliksik sa mga pinagmumulan ng gamot na nilikha ng Allah (ang Kataas-taasan) dito sa daigdig.

  • Pinatataas nito ang pagtitiwala ng isang tao sa Allah at inaalis ang takot sa nilalang. Si Ibn Ibn ‘Abbaas (I) nawa’y kalugdan siya ng Allah, ay nagsabi: «Isang araw, nasa likuran ako ng Sugo  at sinabi niya sa akin : “O batang lalaki, tuturuan kita ng ilang salita: Pag-ingatan ang mga kautusan ng Allah at pag-iingatan ka Niya. Pag-ingatan ang mga kautusan ng Allah, at matatagpuan mo Siya sa iyong harapan. Kung hihingi ka, magkagayon humingi ka sa Allah, at kung kailangan mo ng tulong, magkagayon humingi ng tulong sa Allah. At tandaan na kahit magsama-sama man ang buong mundo upang tulungan ka, hindi ka nila matutulungan maliban sa mga bagay na naitakda ng Allah para sa iyo. At kung ang buong mundo ay magsamasama upang saktan ka nila, hindi ka nila kayang saktan maliban sa mga bagay na naitakda ng Allah para sa iyo. Ang mga panulat ay naitaas na at ang mga balumbon (ng kapahayagan) ay natuyo na.