Ang Itim na Bato (Hajar al-Aswad)

Ang Itim na Bato (Hajar al-Aswad)  

Pagkaraang matapos ni Abraham ang pagtatayo ng Ka′bah, isang bato pa ang kulang (upang makumpleto ang Ka′bah) kaya naman inutusan niya si Ishmael na humanap pa ng isang bato. Si Ishmael ay naghanap at sa kanyang pagbabalik natagpuan niya ang kanyang amang si Abraham na nakapaglagay na ng isang pang bato. Kaya tinanong niya ang kanyang ama: “O ama, saan ninyo nakuha ang batong ito?” At siya ay sumagot: “Ibinigay ito sa akin ni Anghel Gabriel mula sa langit.” At natapos nila ang pagtatayo ng Ka′bah.


Noong ibaba ang batong ito mula sa kalangitan, ito ay higit na maputi kaysa kulay ng gatas. Ang Propeta  ay nagsabi: “Ang Itim na Bato (Hajar al-Aswad) na ibinaba mula sa kalangitan ay higit na maputi kaysa kulay ng gatas, nguni′t ang kulay nito ay napaitim ng mga kasalanan ng tao.” (Tirmidthi)


 

Ang mga Bakas ng Paa ni Abraham (Makam-Ibrahim)  

Ang Propeta ay nagsabi: 
“Ang Sulok-Yemini (isa sa mga sulok ng Ka′bah) at ang Himpilan ni Abraham (Makam-Ibrahim) ay dalawang mahahalagang bato mula sa Jannah (Paraiso), at kung hindi inalis ng Allah ang kanilang ningning, kayang masinagan ng kanilang liwanag ang lahat ng pagitan ng silangan at kanluran.” (Ibn Hibbaan)


Ang Himpilan ni Abraham (Makam-Ibrahim) ay ang bato kung saan si Abraham  ay tumuntong habang itinatayo niya ang Ka′bah. Ang kanyang anak na si Ishmael ay tumulong sa kanya sa pagtatayo ng Ka′bah sa pamamagitan ng pag-aabot ng mga bato.