Ang Banal na Qur′an Tungkol sa Simula ng Sandaigdigan


Ang Banal na Qur′an Tungkol sa Simula ng Sandaigdigan

Ang Allah ay nagwika:
Tanging ang Allah ang nagpasimula ng paglikha, pagkaraa’y Kanyang uulitin ito, at pagkaraa’y sa Kanya kayo muling ibabalik. (30:11)


Malinaw na ipinahayag ng Allah sa talatang ito na Siya lamang ang lumikha ng anumang bagay sa sansinukob mula sa wala. Ito ay nasusulat sa Banal na Qur′an, isang banal na pahayag mula sa Allah. Ipinahayag ng Allah ang pagkakalikha Niya sa sansinukob  Siya ang Tanging) Tagapagsimula ng mga kalangitan at ng kalupaan. Kung Kanyang itakda ang isang bagay, Siya ay nagsasabi lamang ng: “Kun” [Maging] “Fayakun” [at mangyayari nga]. (2:117)


Sinasabi sa atin ng Allah sa talatang ito na ang sansinukob ay nilikha mula sa wala, at ang lahat ng pangyayari bago pa ang pagkakalikha nito ay mula sa di-nakikitang daigdig, kung saan ang Allah lamang ang nakababatid. Ang talino ng tao ay hindi kayang tantuin at unawain ang anumang nilalaman ng unang pagkakalikha nito, sapagka′t hindi ipinagbigay-alam ng Allah sa atin ang kaalaman tungkol dito. Ang tanging kayang ilahad ng tao hinggil sa Ecological Systems ay mga haka-haka at teorya.

Ang Allah ay nagwika: Hindi ba nababatid ng mga di-naniniwala na ang mga kalangitan at ang kalupaan ay magkadugtong bilang iisang piraso, pagkaraa’y Aming pinaghiwalay ito? At ginawa Namin mula sa tubig ang bawa’t bagay na may buhay?. Hindi pa ba sila maniniwala pagkaraan nito? (21:30)

Ang talatang ito ay walang alinlangang tumutukoy sa katotohanang ang Allah ang Siyang lumikha sa sansinukob mula sa iisang bagay, at Siya ay May-Kakayahan sa lahat ng bagay. Pagkaraa’y inutusan ng Allah ang isang bagay na ito na mahati at mabiyak at nangyari nga, at naging isang ulap na usok. Mula sa usok na ito’y nilikha ng Allah ang mga kalangitan at kalupaanIto ay ipinahayag sa Banal na Qur′an. Sabihin (O, Muhammad): “Kayo ba’y sadyang hindi mananampalataya sa Kanya na Siyang lumikha sa kalupaan sa dalawang Araw ? At kayo’y nagtayo ng karibal o katambal (sa pagsamba) sa Kanya? (Samantalang) Siya ang Panginoon ng lahat ng nilikha. Siya ang nagtirik doon sa ibabaw (ng lupa) ng mga matatatag na kabundukan at ito ay Kanyang pinagpala at sinukat ang (kaukulang laman ng) kabuhayan doon (inilaan sa mga maninirahan doon) sa apat na Araw (lahat ng apat na ‘araw’ na ito ay magkakatulad sa haba ng oras) para sa lahat ng mga (taong) nagtatanong (hinggil sa pagkakalikha nito). At pagkaraan, Siya ay pumaitaas (istawa) sa dako roon ng kalangitan nang ito ay isa pa lamang usok, at sinabi Niya dito at sa kalupaan : “Halina kayong dalawa nang may kusang pagtalima o walang kusang pagtalima.” At sila ay nagsabi: “Kami ay kapwa kusang tumatalima.”At pagkaraa’y Kanyang binuo at tinapos ang paglikha sa kanila (bilang) pitong kalangitan sa dalawang Araw at ginawa Niya ang bawa’t kalangitan nang may sariling pangyayari (na magaganap). At Aming ginayakan ang pinakamababang (palapag ng) kalangitan ng mga lampara (bituing nagluluningning) upang maging palamuti at tagapagbantay (laban sa mga demonyo). Yaon ang mga Tadhanang itinakda (at pinagtibay) Niya. Siya ang Ganap na Makapangyarihan, ang Lubos na Maalam. (41:9-12)


Ang makabagong Astrophysicists ay nagpatunay na ang buong kalawakan ay nagmula sa iisang bagay, ang bunga ay naging kilala sa ngayon na Big Bang Theory.13

Ang Allah ay nagwika: At pagkaraan, Siya ay pumaitaas (istawa) sa dako roon ng kalangitan nang ito ay isa pa lamang Usok, at sinabi Niya dito at sa kalupaan : “Humayo kayong dalawa nang may kusang pagtalima o walang kusangpagtalima.” At sila (ang kalangitan at kalupaan) ay nagsabi: “Kami ay kapwa kusang tumatalima.” (41:11)


Ang talatang ito ay nagpapatunay na ang kalangitan, sa una nitong mga yugto ay katulad ng usok; na siya din namang pinagtitibay ng makabagong siyensiya.Si James H. Jeans ay nagsabi

 Natuklasan namin, katulad ng unang haka-haka ni Newton, ang isang «chaotic mass of gas′′ na magkatulad ang kapal at sadyang napakalawak nito ay tunay na mabuway; na maaaring mahubog dito ang nuclei, na sa paligid nito’y ang bagay ay maaaring mabuo sa dakong huli.14