Ang Tubig at ang Buhay

Ang Tubig at ang Buhay

Ang Allah ay nagwika:
Hindi ba nababatid ng mga di-naniniwala na ang mga kalangitan at ang kalupaan ay magkadugtong bilang isang piraso, pagkaraa’y Aming pinaghiwalay ang mga ito? At ginawa Namin mula sa tubig ang bawa’t may buhay. Sila ba kung gayon ay hindi maniniwala? (21:30)


Malinaw na pinatunayan ng makabagong siyensiya na ang tubig ay ang pangunahing sangkap ng buhay, sa siyang pinagmumulan ng selula (cell). Napatunayan ng mga Kimiko (Chemist) na ang tubig ay isang kinakailangan at aktibong sangkap na ginagamit sa mga pagbabago at mga pagtugong nagaganap sa loob ng katawan. Dahil dito, ito ang kaisaisang likidong kailangan ng bawa′t may buhay, gaano man kalaki o kaliit, mula sa pinakamaliit na organismo hanggang sa mga pinakamalaking hayop na nabubuhay sa mundo.


Sa panahon ngayon, ang saklaw ng tubig sa mundo ay tinatayang 71% at ang natitirang tuyong bahagi ng mundo ay 29% . Ang pangunahing pinagmumulan ng katawan ng tao at ng hayop ay tubig, gayun din naman ang mga halaman. Ito ay napatunayan sa pamamagitan ng scientifc analysis na ang katawan ng tao mula sa edad na 15 taon pataas ay nagtataglay ng halos 71% ng tubig. Hinggil naman sa katawan ng bata, ito ay may taglay na halos 93% na tubig. Ito ay nangangahulugan na 80% ng tubig ay dumadaloy sa katawan ng tao at ang natitirang porsiyento dito ay dugo. Gayundin naman, 90% ng tubig ang natatagpuan sa mga hayop at mga halaman.