Ang mga Kakaibang Katangian at Natatanging Karapatan sa Islam

Ang mga Kakaibang Katangian at Natatanging Karapatan sa Islam

Sa dahilang ang Islam ang siyang huling relihiyon, mayroon itong kakaibang katangian, natatanging karapatan na nagiging angkop sa lahat ng panahon at pook


  • Ito ang huling Banal na Relihiyon na ipinahayag sa tao  

  • Kinikilala ng Islam ang mga naunang banal na kapahayagan. Sa kabilang dako, ang mga Hudyo ay hindi kinikilala si Hesus, ang mga Kristiyano ay hindi kinikilala si Muhammad ; Samantalang ang mga Muslim ay kinikilala sina Moses, Hesus at ang lahat ng mga Propeta .

  • Sa Islam, nakikipag-ugnayan ang tao sa Allah sa lahat ng bagay at katayuan.

  • Ang Islam ang natatanging Relihiyon na hindi nasira at nagbago.  

Sinabi ni Harry G. Dorman: Ito (ang Qur′an) ay literal na kapahayagan ng Diyos, na ipinahayag ni Anghel Gabriel kay Muhammad , na tama at ganap sa bawa′t letra. Ang lagi nang nananatiling himala na nagpapatunay sa mismong sarili nito at kay Muhammad , ang Propeta ng Diyos. Ang mga mahimalang katangian nito ay makikita sa istilo nito, na sadyang ganap at napakatayog na ang tao o jinn ay hindi kayang gumawa ng kahit isa mang kabanata upang ihambing sa pinakamaikling kabanata nito. Makikita rin sa nilalaman nito ang mga katuruan, propesiya hinggil sa hinaharap, at mga kamangha-mangha at tamang-tamang impormasyon na hindi kayang tipunin ng isang taong hindi nakapag-aral na katulad ni Muhammad  sa sarili niyang kakayahan lamang.

  • Ang Islam ay ang pananampalatayang sumasakop sa espirituwal at materyal na aspeto ng buhay. Hindi nito nakaligtaan kahit na ang pinakamaliit na bagay sa buhay ng isang Muslim. Isinalaysay ni Abdurrahman bin Zaid na sinabi ito kay Salman: “Ang inyong Propeta ba ay nagturo sa inyo ng lahat ng bagay, kahit ang pagsagot ninyo sa tawag ng kalikasan?” Sumagot si Salman; ‘Siyang tunay! Ipinagbawal niya sa amin ang pagharap sa direksyon ng Qibla habang dumudumi o umiihi. Ipinagbawal din niya angpaggamit ng kanang kamay sa paglilinis ng maselang bahagi ng katawan. Ipinagbawal din niya ang paggamit ng bato na kulang sa tatlong piraso, o ang paggamit ng buto o natuyong dumi ng hayop (sa paglilinis sa sarili kung walang tubig).” (Muslim)


Sinabi ni W. Thomas Arnold: ‘Ang pagkaunawa sa katarungan ay isa sa mga kahanga-hangang panuntunan ng Islam, sapagka′t natuklasan ko sa aking pagbabasa ng Qur′an ang mga mabibisang panuntunan ng buhay – mga praktikal na tuntuning pangmoral para sa pang-araw-araw na buhay na sadyang angkop sa buong mundo


  • Magkatimbang na binibigyang-kasiyahan ng Islam ang pangangailangang materyal at espirituwal ng tao. Tinatanggihan nito ang pagbibigay-tangi sa isang aspeto kapalit naman ng pag-iwan sa isa.


Si Prince Charles ay nagsabi: ‘Kayang ituro sa atin ng Islam ngayon ang isang paraan tungo sapagkakaunawaan at pamumuhay sa mundo na kung saan ang Kristiyanismo mismo ay mahina dahil sa kawalan nito. Itinatatwa ng Islam ang paghihiwalay ng tao sa kalikasan, ng relihiyon sa siyensiya, ng isip sa bagay.’

  • Ang Pananampalatayang Islam ay hindi sumasalungat sa karunungan at pananaw ng tao maging sa kanyang natural na dispusisyon

  • Ang Islam ay relihiyon para sa lahat ng sangkatauhan, kahit ano pa ang inabot sa edukasyon, anumang oras at panahon at maging saan mang dako…na siyang kabaliktaran ng mga naunang relihiyon na ipinadala sa isang natatanging nasyon sa isang natatanging lugar at panahon. Halimbawa, kung ang isang tao ay nais maging Hudyo, kinakailangan munana siya’y ipanganak na isang Hudyo. Nagsabi ni Hesus: Ako ay ipinadala lamang sa mga nangawalang tupa ng Angkan ni Israel..


Isa sa mga patunay na ang Islam ay pandaigdigang relihiyon at naaangkop ito sa lahat ng tao sa lahat ng panahon, maging anuman ang kanilang lahi o wika ay ang Salita ng Diyos (Allah): Ang Allah ay nawika: O Ikaw, (Muhammad) na nababalot (ng balabal o kapa)! Bumangon at magbigay babala! At ipagbunyi ang (papuri ng) iyong Rabb (Panginoon). (34:28

 

Sa mga talatang ito, ang Allah ay inutusan ang Kanyang Propeta na si Muhammad  na ipanawagan nang hayagan ang Islam. Kaya naman inanyayahan niya ng kanyang mga mamamayan na sumamba lamang sa Nag-iisang Diyos – ang Allah, at itakwil ang lahat ng uri ng diyus-diyusan. Siya (Muhammad ) ay inalipusta, hinamak at sinaktan ng kanyang mga kababayan, nguni′t nanatili pa rin siyang matatag at maawain. Nagpadala siya ng mensahe sa mga hari sa kanyang kapanahunan at inanyayahan sila na tanggapin ang pananampalatayang Islam. Ang ilan sa kanyang pinadalhan ng sulat ay ang Emperor ng Roma, ang Emperor ng Persia, at ang Hari ng Abyssinia. Kung ang mensahe ni Propeta Muhammad  ay hindi para sa buong sangkatauhan, hindi niya aanyayahan ang mga pinuno ng iba′t ibang kaharian na malapit sa Arabia upang tanggapin ang pananampalatayang Islam. Hindi ba ito′y maaaring maging sanhi ng posibleng pagsisimula ng labanan mula sa higit sa isang kaaway na puno ng sandata at marami sa bilang? Bakit niya (Muhammad ) gagawin ang mga bagay na ito, kung hindi ito nagmula sa Diyos – ang Allah, na nagpadala ng banal na Mensahe, at iniutos sa kanya upang ipahayag sa buong sangkatauhan! 

Sinabi ng Sugo: “Ang bagay na ito (pananampalatayang Islam) ay magiging malinaw na katulad ng gabi at araw. Ang bawa′t tao sa lungsod o lugar ng disyerto ay malalaman ang tungkol sa relihiyong ito, sa pamamagitan ng kapangyarihan o kahihiyan. Ang kapangyarihan na kung saan ang Islam ay binigyang dangal, at kahihiyan na kung saan ang Allah ay dinulutan ng kahihiyan ang mga di-mananampalataya.” (Ahmad)