Ipinag-uutos ng Islam ang pangangalaga sa kapaligiran at pagbabawal sa anumang pamiminsala dito. Ito ay ipinaliwanag sa mga sumusunod:
• Hinihikayat ng Islam ang mga tagasunod nito sa pagtatanim ng mga makabuluhang halaman at puno na kapaki-pakinabang sa tao sa pangaraw-araw niyang pamumuhay. Ang Sugo ng Islam, na si Muhammad ay nagsabi: “Walang Muslim ang nagtanim ng puno o mga pananim, at ang mga bunga nito ay kinain ng ibon, tao, at hayop, na hindi itinuturing na isang kawanggawa ito mula sa kanya.” (Bukhari)
• Hinihikayat ng Islam ang mga tagasunod nito sa pag-aalis ng anumang bagay na makapagdudulot ng pinsala. Ang Sugo ng Islam, na si Muhammad ay nagsabi: “Ang mag-alis na anumang makapipinsala sa daraanan ay isang kawanggawa.” (Bukhari)
• Naghihikayat ito sa pagkuwarantenas (quarantine) sa mga taong may nakahahawang-sakit upang maiwasan ang pagkalat nito sa iba pang lipunan at upang mapangalagaan ang buhay ng iba. Ang Sugo ng Islam na si Muhammad ay nagsabi: “Kung may nabalitaan kayong epidemiya sa isang lugar, magkagayon huwag na kayong pumasok doon, at kung ang epidemiya ay nasa lugar kung saan kayo naroroon, magkagayon huwag na kayong lumabas dito.” (Bukhari)
• Ipinagbabawal nito ang patuloy na pagpatay sa mga hayop at mga ibon. Ang Sugo ng Islam na si Muhammad ay nagsabi: “Sinumang pumatay ng isang ibong maya nang walang dahilan, iiyak ito sa harapan ng Allah sa Araw ng Pagsusulit, ′O Allah, ang taong yaon ay pinatay ako nang walang dahilan at saysay. ” (Nasa′i)
• Ipinagbabawal ng Islam na dumihan ang kapaligiran sa anumang paraan. Ang Sugo ng Islam na si Muhammad ay nagsabi: “Katakutan ang dalawang bagay na nagbibigay dahilan sa tao upang sumpain ang iba.” Ang kanyang mga kasamahan ay nagtanong: “Ano ang dalawang bagay na ito na nagbibigay dahilan sa tao upang sumpain ang iba?” Siya ay sumagot: “Ang pagganap sa tawag ng kaliksasan (pagdumi o pag-ihi) sa mga daanan ng tao o kaya’y sa mga lilim na kung saan sila sumisilong (upang magpahinga).” (Muslim)