Ang Banal na Qur′an Tungkol sa mga Bagay sa Kalawakan (Celestial Bodies)


Ang Banal na Qur′an Tungkol sa mga Bagay sa Kalawakan (Celestial Bodies)

Ang Allah ay nagwika: Ang Allah ay Siyang nagtayo ng mga kalangitan na inyong nakikitang walang haligi. (13:2)

 

Ang makabagong panahon ng pag-aaral tungkol sa sansinukob ay nagpapatunay na may pambihirang lakas sa anumang bagay (matter), sa sangkap nito at ang tinatawag na celestial bodies. Kayang wasakin at likhain muli ito ng Allah. Ang mga siyentipiko ay natuklasan ang iba’t ibang uri ng malalakas na enerhiya na dumadaloy sa mga kalangitan at kalupaan:
  • Strong nuclear energy: Ang enerhiyang ito ay nagtatangan ng subatomic particles nang magkakasama; at kabilang dito ang protons, electrons at neutrons.

  •  Weak nucleon energy: Ang nuclear-enerhiyang ito ay nagiging sanhi ng ilang uri ng radioactive decay.17

  •  Electromagnetic energy: Ito ang enerhiya na nagbibigkis ng mga atomo sa loob ng isang bagay (matter), at nagbibigay din ito sa bawa’t isa ng sari-sariling katangian.

  • Gravity: Ito ang pinakamahinang uri ng enerhiya na kilala natin, nguni′t sa kalauna’y nagsisilbi itong sentro ng uri ng enerhiya, sapagka′t pinananatili nito sa sari-sariling posisyon ng lahat ng bagay sa kalawakan o ang tinatawag na celestial bodies.18

Ang Allah ay nagwika:
At Siya ang lumikha ng gabi at ng maghapon, at ang araw at ang buwan, bawa′t isa ay lumulutang sa pag-inog.. (21:33)


Ang Allah ay nagwika:
At ang araw ay umiinog sa (kanyang sariling) daan para sa naitakdang panahon. Ito ang Takdang Kautusan ng Ganap na Makapangyarihan, ang Lubos na Maalam. At ang buwan; Aming itinakda para sa kanya (ang sariling) kinahihimpilan hanggang ito ay makabalik tulad ng baluktot na lumang tuyot na sanga ng puno ng datiles. Hindi maaaring lagpasan ng araw ang (pag-inog ng) buwan, gayundin ang gabi na mahigtan (lagpasan) ang araw. Lahat sila ay nakalutang, na ang bawa′t isa ay (nasa kani-kanilang naitakdang) landasin (daan [ng pag-inog]) (36:38-40)


Sa talatang ito sinabi ng Allah na ang araw ay naglalakbay sa tiyak na direkyon. Noong una, ang araw ay sinasabing hindi gumagalaw. Ang mga cosmologist at astronomers sa ngayon ay nagpapatunay na ang araw ay gumagalaw sa tiyak na landasin. Ang lahat ng mga buntala sa solar system na ito ay gumagalaw katulad ng mga satellite. Ang inog ng mundo (Earth) ay sumasabay sa pag-ikot ng mga planeta.

 

Ang Allah ay nagwika:
Pinatutunayan Ko) Sa (pamamagitan ng) mga kalangitan na puno ng mabituing daraanan.  (51:7)

Sa Arabik ang salitang ‘Hubuk’ (halimbawa: mabituing daanan) ay may higit sa isang:
  • Ang katumpakan sa pakakalikha: Ang mga astronomer ay nakalkula na may 200 bilyong mga galaxy sa sansinukob at tinatayang pitumpung bilyon trilyon mga bituin.19 Ang bawa′t galaxy ay may iba-ibang sukat, hugis, kapal, bilis ng pagkilos sa sarili nitong ehe (axis). Iba-iba rin angIt also refers to a thing which is perfectly combined and integrated. These awesome numbers of galaxies and stars in the known portion of the universe is only 10% of the entire universe. There must be a power which keeps it all together, otherwise it would collapse and fall intlayo ng bawa’t isa sa ating mundo, at gayundin naman ang layo nila sa isa′t isa. Iba’t iba rin ang yugto ng kanilang pag-inog, ang bilang ng kanilang angking mga bituin, at iba-iba rin ang buhay ng kanilang mga bituin.

  • Tumutukoy din ito sa isang bagay na lubos at ganap na binuo at pinagsama. Ang kamangha-manghang dami sa bilang ng mga galaxy at bituin sa napag-alamang bahagi ng sansinukob ay 10% lamang ng buong sansinukob. Nararapat lamang na mayroong isang Kapangyarihan na nagpapanatili sa lahat ng mga ito, kung hindi ay malalansag at magkakaroon ng kaguluhan. Sadyang malayo ang Allah sa anumang di-kaganapan. Siya ay nagsabi: Katotohanan, tangan ng Allah ang mga kalangitan at ang kalupaan, kung hindi ay lilisan ang mga ito mula sa kani-kanilang mga ligiran. At kung lilisan man ang mga ito mula sa kanilang ligiran, walang iba pang makatatangan sa mga ito pagkaraan Niya. Tunay nga, Siya ay Laging nang Mapagparaya, ang Laging nang Mapagpatawad. (35:41)

  • Tumutukoy din ito sa ligiran o landas (orbits) na kung saan lumulutang ang bawa′t celestial body. Ang kamangha-manghang bagay na nagbibigay pagkalito sa mga siyentipiko ay ang napakalaking bilang ng mga galaxy sa nakilala nang bahagi ng sansinukob. Ito ay patunay lamang na ang sansinukob na ito ay kumikilos sa isang ganap at lubos na pamamaraan.

Ang Allah ay nagwika:
Siya (Allah) ang gumawa ng araw na (pinagmumulan ng) nagliliwanag na bagay at ang buwan bilang (aninag na) ilaw at sinukat para dito ang mga yugto upang malaman ninyo ang bilang ng mga taon at ang pagtutuos. At hindi nilikha ng Allah iyan maliban sa katotohanan. Ipinaliwanag Niya ang mga Tanda sa masusing paraan para sa mga taong may (sapat na) kaalaman. (10:5)


Ang ganap na kaibhan ng liwanag na ibinibigay ng isang nagliliwanag at napakainit na bagay – ang araw na ang liwanag nito’y naaaninag din natin mula sa isang madilim at malamig na bagay – ang buwan, na paulit-ulit na nakikita sa ating daigdig ay nabanggit na sa Banal na Qur′an sa mahigit na 1400 taon na ang nakalilipas. Ito ay nagpapatunay lamang na ang Qur′an ay isang Banal na Pahayag na nagmula sa Allah.