Ang kahulugan ng Islam ay pagsuko sa kalooban ng Allah, manindigan sa pagsunod sa Kanya, at maging malaya sa pagsamba sa iba bukod sa Kanya. Walang kabutihan maliban sa ipinag-uutos ng Islam, at walang kasamaan maliban sa ipinagbabawal nito. Ang pagsagawa sa katuruan ng Islam ay nagbibigay garantiya sa sinuman upang mamuhay nang matiwasay at mapayapa sa liwanag ng panuntunan nito, na nangangalaga sa karapatan ng lahat. Sinabi ng Allah:
Sabihin (O Muhammad): “Halina kayo, aking bibigkasin kung ano ang ipinagbawal sa inyo ng inyong Rabb (Panginoon): Huwag magtambal ng anupaman sa pagsamba sa Kanya; maging mabait at masunurin sa inyong mga magulang; huwag patayin ang inyong mga anak dahil sa karalitaan – Kami ang nagbibigay ng panustos para sa inyo at para sa kanila. Huwag lumapit sa Al-Fawâhish (mga imoral na kasalanan), maging lantad man o lihim; at huwag patayin ang sinuman na ipinagbawal ng Allâh, maliban sa isang makatuwirang dahilan (ayon sa batas ng Islam). Ito ay Kanyang ipinag-utos sa inyo upang kayo ay makaunawa. “At huwag lumapit sa mga ari-arian ng ulila, maliban upang pagbutihin ito, hanggang sa sumapit siya sa hustong gulang; at ibigay ang buong sukat at buong timbang nang may katarungan.” – Hindi Kami nagbibigay ng pasanin sa sinumang tao malibang kanyang makayanan. – At kapag kayo ay magsalita, sabihin lamang ang katotohanan kahit pa man din hinggil sa malapit na kamag-anak. At tupdin ang Kasunduan ng Allâh. Ipinag-uutos Niya sa inyo ito upang kayo ay makaalaala. (6:151-152)
Sinabi ng Allah: Katotohanan, ipinag-uutos ng Allah ang katarungan at mabuting asal at pagtulong sa mga kamag-anak, at ipinagbabawal ang kahalayan at masamang asal at pang-aapi. Binibigyan Niya kayo ng paalaala upang kayo ay makaunawa. (16: 90)
Hence, the Faith of Islam is a comprehensive Faith of peace in all meanings of this word. This applies to the internal level of Muslim society as Allah said: And those who harm believing men and believing women for something other than what they have earned have certainly born upon themselves a slander and manifest sin (33: 58)
Kaya ang Islam ay isang malawak na pananampalataya ng kapayapaan sa lahat ng mga kahulugan ng salitang ito. Ito ay tumutukoy sa panloob na pamantayan ng lipunang Muslim katulad ng sinabi ng Allah:
At yaong sinasaktan ang mga mananampalatayang kalalakihan at kababaihan nang di nararapat, babalikatin nila ang paninirang-puri at hayag na kasalanan. (33: 58) Si Propeta Muhammad ay nagsabi: “Ang isang Muslim ay yaong binabantayan ang kanyang dila at kamay. At ang isang dumayo ay yaong lumalayo sa ipinagbabawal ng Allah.” (Agreed upon) Gayundin: “Ang mananampalataya ay isang taong pinagtitiwalaan ng tao.” Nagkakaloob din ang Islam ng kapayapaan sa pandaigdigang pamantayan na itinatag sa pamamagitan ng mabuting ugnayan na nababatay sa kaligtasan, sa katatagan, at sa panuntunan ng Islam. Karagdagan nito, ang isang lipunang Muslim ay hindi lumalabag sa lipunan ng iba, lalo na yaong mga matatapat sa kanilang pananampalataya, ni hindi nag-aangkin ng pagkapoot sa mga tagasunod nito.
Ayon sa mga Salita ng Allah:
O kayong mananampalataya! Magsipasok sa Islam nang ganap at lubos, at huwag sundan ang mga yapak ni Satanas. Katotohanan, siya ay isang hayag na kaaway sa inyo. (2: 208)
Ipinag-uutos ng pananampalatayang Islam ang katarungan at di-pangaapi, maging yaong may galit sa kanila. Sinabi ng Allah:
O kayong mananampalataya! Laging tumindig nang matatag para sa Allah bilang mga makatarungang saksi. Huwag hayaan ang inyong pagkapoot sa ibang tao ang maging sanhi ng paglisan ninyo sa pagiging makatarungan. Maging makatarungan; ito ay malapit sa pagkamaka-diyos; at maging matakot sa Allah; katotohanan, batid ng Allah ang inyong ginagawa. (5: 8)
Ang Salaam ay siya ring pagbati ng mga Muslim sa bawa’t isa – AsSalaamu ‘Alaykom! Ito ay isang pagbati na nagbibigay ng katiwasayan, kapanatagan at kaginhawahan sa pagbati at sa binabati. Ito ay dahil na rin sa mismong nilalamang katiwasayan at kaligtasan ng pagbati. Ito ang itinatag ng Propeta bilang isa sa mga pagganap ng pananampalataya ng Muslim. Kanyang sinabi
“Hindi kayo makapapasok sa Paraiso hangga’t hindi kayo maniwala, at hindi kayo maniniwala hangga’t hindi kayo magmahalan sa isa’t isa. Sasabihin ko ba sa inyo ang isang bagay na kapag inyong ginawa ito’y magmamahalan kayo sa isa’t isa ? Ipalaganap ang pagbati ng Salaam sa inyo. (Muslim)
Itinatag ni Propeta Muhammad ang isa sa pinakamahusay na pagganap sa dahilang ang pagbating ito ay ipinaglalapit at pinalalambot niya ang puso kapag ito ang ibinibigay na pagbati o kaya’y marinig ito. Inaalis din ito ang di-pagkakaunawaan at suklam. Nang tanungin ang Propeta kung ano ang pinakamahusay na bahagi ng Islam, siya ay sumagot:
“Ang pakainin ang mga dukha at bumati ng Salaam sa inyong mga kakilala at sa mga di ninyo kilala.” (Bukhari at Muslim)
Kaya ang pananampalatayang Islam ay nagdala ng mga panuntunan at batas maging sa panahon ng digmaan, pag-aasawa, hinggil sa ekonomiya, politika, pagsamba, atbp. Ito ay para sa isang huwaran at malinis na lipunan sa pagpapatupad at pamamahala sa ugnayan ng isang Muslim sa kanyang Panginoon, lipunan at sa buong daigdig, maging ito ay pantao o pangkalikasan. Ang buong sangkatauhan ay hindi kayang magbuo ng katulad ng Islam. Ang isang Pananampalatayang may ganitong kalubusan at kalawak ay nararapat na yakapin, ipag-anyaya at igalang.