Ang Banal na Qur′an Tungkol sa mga Bundok

 
Ang Allah ay nawika :

Hindi ba Namin ginawa ang kalupaan bilang himlayan, at ang mga kabundukan bilang mga talasok? (78:6-7)


Ipinaliwanag ng mga siyentipiko ang kahalagahan ng mga bundok bilang mga talasok na nagpapatatag ng mundo:

Ang kabundukan ay may mga ugat sa ilalim. Ang mga ugat na ito ay nakabaon sa lupa nang malalim, kaya naman ang mga bundok ay may hugis katulad ng talasok. Ang matigas na ibabaw ng mundo (Earth’s crust) ay may 30 hanggang 60 kilometro ang lalim. Ito ay napag-alaman sa pamamagitan ng makinang seismograph. Napag-alaman din sa pamamagitan ng makinang ito na ang bawa′t bundok ay may ugat sa ilalim na nagpapatatag sa ibabaw ng mundo (Earth′s crust) kasama na rito ang mga suson ng lupa sa ilalim. Ito ang pumipigil sa pagyanig ng mundo. Samakatuwid, ang94 Ang Susi sa Pag-unawa sa ISLAM bundok ay katulad ng isang pako na nagdadala sa pagkakabit na iba′t ibang pirasong kahoy.


Ang Allah ay nawika : At Kanyang ikinabit sa lupa ang mga bundok na matatag na nakatayo, kung hindi’y mayayanig itong kasama ninyo; at (ikinabit din) ang mga ilog at mga daan upang maging gabay sa inyong mga sarilis (16:15)


Pinatotohanan ng makabagong siyensiya na ang mga bundok ay katunayang nakakalat nang patas at perpekto sa mundo, na siya ring nagpapatatag sa mundo lalo na yaong mga bundok na kung tawagin ng mga geologist ay ′Asymmetrical Mountain Range′ na makikita sa bawa′t kontinente.33 Papaanong ang isang taong hindi marunong bumasa at sumulat, na halos lahat sa kanyang bansa’y hindi nakapag-aral ay malaman ang mga katotohanang ito?