Ipinagbabawal sa Islam ang lahat ng uri ng kasamaan at kahalayan, maging sa pamamagitan ng pananalita o sa gawa.
Ang Allah ay nagwika: Sabihin! (Nguni′t) ang mga bagay na sadyang ipinagbabawal ng aking Rabb (Panginoon) ay ang Fawahish (mga imoral na gawain(maging ito man ay lantad o lihim, lahat ng uri ng kasamaan, pang-aalipusta, at pagtatambal ng iba sa Allah [sa pagsamba]( na hindi naman Niya binigyang karapatan (o kapahintulutan) ito, at ang pagsasabi ng mga bagay tungkol sa Allah na wala naman kayong kaalaman.’ (7:33)
niuutos at hinihikayat nito ang lahat tungo sa mabuting moral at pag-uugali. Ang Propeta ng Islam na si Muhammad ay nagsabi: “Ako ay ipinadala upang gawing lubos ang makatwiran at kagalang-galang na pag-uugali.” (Haakim) Ang Allah – ang Dakila at ang Kataas-taasan ay nagwika sa Banal na Qur′an:
Sabihin: “Halina kayo, aking bibigkasin kung ano ang ipinagbawal sa inyo ng inyong Rabb (Panginoon): Huwag magtambal ng anupaman sa pagsamba sa Kanya; maging mabait at masunurin sa inyong mga magulang; huwag patayin ang inyong mga anak dahil sa karalitaan – Kami ay nagbibigay ng panustos para sa inyo at para sa kanila. Huwag lumapit sa Al-Fawâhish (mga imoral na kasalanan), maging lantad man o lihim; at huwag patayin ang sinuman na ipinagbawal ng Allâh, maliban sa isang makatuwirang dahilan (ayon sa batas ng Islam). Ito ay Kanyang ipinag-utos sa inyo upang kayo ay makaunawa (6:151)
Ang Sugo ay nagsabi: “Walang sinuman sa inyo ang tunay na mananampalataya hangga’t hindi niya mahalin para sa kanyang kapatid kung ano ang minamahal para sa kanyang sarili.” (Bukhari)