Ang Bunga ng Islamikong Pamumuhay sa Makabagong Agham

Ang Bunga ng Islamikong Pamumuhay sa Makabagong Agham

Sinumang magnilay-nilay sa dahilan ng mabilis na pagsulong sa ngayon ng makabagong agham at teknolohiya ay tiyak na aaminin na ito ay dahil sa Islamikong kabihasnan na nagparating at nagpakilala ng maraming mahahalagang kaalaman at nagdulot ng maraming pantas.


Si C.H. Haskins7 ay nagsabi: «Hindi maipagkakailang katotohanan na ang mga Arabo sa Espanya ang naging pangunahing pinagkunan ng makabagong kaalaman ng Kanlurang Europa.»

Sila ang naglagay ng mga panuntunan na kung saan sumulong ang makabagong kabihasnan. Sinumang magsuri sa Dictionary of Technical Terms for Aerospace 8 ay tiyak na magpapasiya na ang animnapung porsiyento ng mga kilalang buntala (stars) sa kalawakan ay binigyang pangalan mula sa wikang Arabik


Ang mga aklat at mga akda ng mga sinaunang pantas na Muslim ay mga pangunahing pinagkunan ng mga teksto na nagdulot ng kapakinabangan sa Kanluran, lalo na sa mga taga-Uropa na ginamit ang mga ito sa panahon ng tinatawag na ′Renaissance Period′. Marami sa mga tekstong ito ay ginamit ng mga unibersidad sa Europa


Si Marquis of Dufferin at Ava ay nagsabi: ′Ang pag-ahon ng Europa mula sa kadiliman noong panahon na tinatawag na “Middle-Ages” ay utang nila sa agham, sining at literatura ng Mussulman (Muslim)9.»

Si J.H. Denison ay nagsabi: Sa panahon ng ika-lima at ika-anim na siglo ang sibilisasyon ng mundo ay nasa kalagayan ng matinding kaguluhan. Ang makaluma at madamdaming kultura na siyang naging daan upang marating ang sibilisasyon, na siyang nagbigay sa tao na magkaroon ng pagpapahalaga sa pagkakaisa at ng pitagan sa kanilang mga pinuno, ay nagiba at walang nakitang anumang sapat na pamalit dito. Sa mga panahong yao’y tila nasa bingit ng pagkabuwag ang isang matatag na sibilisasyon na inabot ng libo-libong taon upang itayo, at ang sangkatauhan ay malamang na manumbaliksa isang katayuan ng kabarbaruhan (Barbarism) kung saan ang bawa′t tribu at sekta ay magkalaban, at walang kinikilalang batas at tuntunin. Ang makalumang pamantayan ay nawalan ng kanilang karapatan. Ang makabagong pamantayan gawa ng Kristiyanismo ay gumawa ng paghatihati at pagwasak sa halip na pagkakaisa at kaayusan. Ito ang panahon na puno ng kapighatian at trahedya. Ang sibilisasyon ay katulad ng isang malaking punongkahoy kung saan ang mayabong na dahon nito’y inabot ang buong mundo at ang mga sanga nito’y nagbunga ng malagintong prutas ng kaalaman, agham, at literatura – nakatayong pagiray-giray...bulok ang pinakabuod nito. Nagkaroon pa bang makapukaw-damdaming kultura na kayang ipunin ang sangkatauhan sa pagkakaisa at iligtas ang sibilisasyon? Mula sa mga taong ito’y isinilang ang taong si Muhammad  upang pagisahin ang buong mundo ng silangan at kanluran

Ang mga Muslim ay nanguna sa lahat ng larangang teknikal, siyentipiko at pangkaisipan. Magbabanggit tayo dito ng ilan sa mga magigiting na pantas sa iba’t ibang larangan.


  • Al-Khawarizmi (780-850CE) Isa siyang dalubhasang paham sa larangan ng mathematics, algebra, logarithms at geometry. Siya ay isa sa mga mahuhusay na mga mathematician na nabuhay sa daigdig. Sa katunayan, siya ang nagtatag maraming sanga at mga pangunahing konsepto ng mathematics. Siya din ang nagtatag ng Algebra

  • Al-Biruni (973–1050AD) Isa siyang magiting na iskolar sa maraming larangan. Nagsulat siya ng iba’t ibang paksa na umaabot sa mga larangang astronomiya hanggang sa matematika, matematikang pang-heograpiya hanggang sa araling pang-makina, pharmacology at kasaysayan. Ipinaliwanag ni Al-Buruni ang tiyorya ng pag-ikot ng mundo sa sarili nitong ehe (axis) animnaraang taon bago pa si Galileo. 

    Ang German Orientalist na si E. Sachau ay nagsabi tungkol kay Al-Buruni: «Siya ang dakilang pantas (greatest intellectual) na nakilala ng tao.» Bilang mga Muslim sinasabi natin na ang dakilang pantas o maalam sa lahat ng tao ay si Propeta Muhammad  .

Sa larangan ng medisina at parmasya, ang mga pantas na Muslim ay nag-iwan ng malaking kaalaman ng kanilang mga gawa, na siya namangginagamit ngayon sa makabagong panahon ng medisina. Ang ilan sa mga pantas na ito ay sina

  • Si Ibn Rushd (Averroes 1126-1198 CE) ay isang Andalusian philosopher at manggagamot, dalubhasa sa pilosopiya at sa batas Islamiko, matematika at panggagamot..

  • Si Ibn An-Nafees (1213-1288 CE) ay isang doktor na kilalang-kilala bilang unang nagpaliwanag ng pulmonary circulation of the blood. Siya ang nakatuklas ng blood circulation (ang pagtakbo ng dugo) mga sandaang-taon bago pa ang Ingles na si Harvey at ang Kastilang si Michael Servetus.

  • Si Am′maar b. Ali al-Mo′sili bin Eesa al-Kah′haal ay magaling at mataas ang kaalaman sa larangan ng Ophthalmology. Nag-imbento rin niya ng mga natatanging instrumento na ginagamit sa mga operasyon, katulad ng «Injection Syringe», isang may-guwang na karayom.

  • Si Al-Hasan b. al-Haitham(Alhazen 965-1040 AH) ay isang ring dalubhasa sa matematika. Siya ang unang nagbukas ng landas sa larangan ng optika (optics), engineering at astronomia. Ayon kay Giambattista della Porta, siAl-Hasan ang unang nagpaliwanag ng kapuna-punang paglaki ng sukat ng buwan at araw kapag malapit sa horizon. Ang kanyang pitong aklat sa optika, Kitab al-Manadir (Mga Aklat Hinggil sa Optika) ay siya na marahil ang naging batayan ng pinakaunang mga gawa na gumamit ng siyentipikong pamamaraan. Ginamit din niya ang resulta ng eksperimento upang patunayan ang mga teoriya

  • Sina Al-Mansoori at Abu Bakr ArRazi ay mga bantog at mahuhusay na manggagamot. Gumawa sila ng mga saligan at pamalagiang tulong sa larangan ng medisina at pilosopiya.

  • Sina Muwaf′faq al-Baghdadi at Abul-Qasim az-Zahrawi ay mga kilalang dalubhasa sa larangan ng Dental Practices. Sumulat sila ng mga aklat tungkol dito, at naglagay sila ng mga larawan ng mga kagamitan sa paninistis o operasyon at pagpapaliwanag kung paano gamitin ang mga kasangkapang itooSa larangan ng heograpiya (geography) at heologiya (geology) maraming bantog na pantas ang maaari nating banggitin, ang ilan sa kanila ay sina:

  • Shareef al-Idrisi (1100-1165 H) ay isang cartographer, geographer at manlalakbay. Siya ay kilala dahil sa kanyang mga mahuhusay na mapa ng mundo. Nag-imbento rin siya ng mga kagamitang ginagamit sa paglalayag


  • Marami ang pantas na Muslim na nakibahagi at nakapag-ambag nang malaki sa pag-angat ng makabagong sibilisasyon. Sinumang nagnanais ng karagdagang kaalaman ay nararapat na basahin ang mga aklat na nailimbag nang partikular sa paksang ito. Maraming pagkakataon na naganap, na ang mga pananaliksik na isinulat ng mga Muslim ay inangkin at ipinangalan sa ibang tao

DSi Major Arthur Glyn Leonard ay nagsabi: Hindi ba tayo ang nagtuturing sa ating mga sarili sa ngayon na tayo ang may pinakamataas na kultura at kabihasnan, at ating kinikilala na kung hindi sa mataas na kultura, kabihasnan at katalinuhan katulad ng kaningningan ng pamayanan ng mga Arabo at ang kagalingan ng kanilang sistema, ang Europa hanggang sa mga araw na ito ay mananatili sa pagkalublob sa kadiliman ng kamangmangan?