Pangangalaga ng Pananampalatayang Islam
Pangangalaga ng buhay
Pangangalaga ng yaman
Pangangalaga ng isipan
Pangangalaga ng angkan
Pangangalaga ng dangal
Ang Propeta ng Islam na si Muhammad ay nagsabi: “Katotohanang ipinag-utos ng Allah na hindi dapat labagin ang inyong buhay, ang inyong kayamanan, at ang inyong dangal, katulad ng kabanalan ng araw na ito (ang Araw ng ′Arafah sa panahon ng Hajj), sa (banal na) buwan na ito (ang buwan ng Dhul-Hijjah ang ika-12 buwan ng Islamikong kalendaryo) sa (banal) na lugar na ito (ang Makkah at ang paligid nito).” (Bukhari)
At sinabi rin ng Sugo : “Sasabihin ko ba sa inyo kung sino ang tunay na mananampalataya? Ang taong pinagtitiwalaan ng iba sa kanilang yaman at buhay. Ang isang Muslim ay yaong ligtas ang iba sa kanyang dila at mga kamay. Ang tunay na mandirigma sa landas ng Allah ay yaong nakikibaka sa sarili niyang mga paghahangad upang sumunod sa Allah, at ang tunay na paglikas (ang pagdayo mula sa lupain ng mga di-mananampalataya tungo sa lupain ng mga mananampalataya) ay yaong iniiwan ang mga kasalanan at mga maling gawa.” (Ibn Hibbaan)