Ang Allah ay nagwika: At katotohanan, Aming nilikha ang tao mula sa hinangong luwad (tubig at lupa). Pagkaraan nito’y ginawa Namin siyang isang Nutfah (pinaghalong patak ng semilya ng lalaki at babae at inilagak) sa isang matiwasay na sisidlan (sa sinapupunan ng ina). Pagkaraa’y Aming ginawa ang Nutfah na isang Alaqah (namuong kimpal ng dugo), pagkaraan ay ginawa Namin ang namuong kimpal ng dugo na isang Mudhgah (maliit na kapirasong laman), at mula sa maliit na kapirasong laman, ginawa Namin ang buto, at pagkaraan ay binalutan ang mga buto ng laman at pagkaraa’y Aming nilikha ito bilang isa na namang nilikha (ang tao). Kaya, Kaluwalhatian sa Allah, ang Pinakamahusay sa mga manlilikha. At pagkaraan nito’y, katiyakang kayo ay mamamatay. Katiyakan, pagkaraa’y kayo ay ibabangon sa Araw ng Pagkabuhay-Muli. (23:12-14)
Ang yugto sa pagbuo ng tao ay dumaan sa mga sumusunod:
Mula sa hinangong luwad: Si Adam, ang ama ng sangkatauhan, ay nilikha mula sa luwad. Ang mga talata sa itaas ay pinabubulaanan ang Teorya ng Ebulosyon at pinatutunayan na ang tao ay isang natatanging uri ng nilikha. Ang sangkatuhan ay hindi nagmula sa ibang uri ng nilikha.
Mula sa pinaghalong punlay (semilya): Sa yugtong ito, ang punlay na nanggagaling sa lalaki at babae ay maghahalo sa sinapupunan. Bunga nito’y ang binhi ay maaaring magkabuhay o mamatay sa kapahintulutan ng Allah. Kung ang binhi ay magkabuhay, ang unang bahagi ng paglikha
Allah says:
Katotohanan, Nilikha Namin ang tao mula sa isang pinaghalong patak ng semilya upang subukan siya. Kaya’t, Amin siyang ginawaran (ng kakayahang) makarinig at makakita. (76:2)
Kung ang semilya ay nabigong magbigay-unlad sa ovum, kapuwa sila ilalabas mula sa sinapupunan. Nguni′t kung ito ay magbigay-unlad sa binhi at makabuo ito ng tinatawag na zygote, ito ay kakapit sa gilid ng sinapupunan sa anyo ng isang blastula. Kung pahihintulutan ng Allah na kumapit ito sa sinapupunan, ito ay pupunta na isang yugto ng tinatawag na Alaqah .
Ang Allah ay nagwika:
O Sangkatauhan! Kung kayo ay nagaalinlangan hinggil sa (katotohanan ng Araw ng) Pagkabuhay-Muli, magkagayo’y (inyong isiping) katotohanang nilikha Namin kayo mula sa alabok, at mula rito’y sa isang Nutfah at pagkaraa’y sa isang Alaqah (namuong kimpal ng dugo), pagkaraan mula sa Mudhgah (maliit na pirasong laman) – ang iba ay nabuo at ang iba ay hindi nabuo (o tulad ng nakunan) upang gawin Naming malinaw sa inyo (ang Aming Kapangyarihan at Kakayahang gawin ang anumang Aming naisin). At Aming pinapangyari na manatili sa sinapupunan ang sinumang Aming minarapat na manatili para sa itinakdang panahon, pagkaraan, kayo ay Aming iniluwal bilang mga sanggol at pagkaraan (kayo ay lumaki) upang kayo ay umabot sa gulang ng ganap na lakas. At kabilang sainyo ay mayroong namamatay sa kabataan at kabilang (din) sa inyo ay mayroong ibinabalik sa kaawa-awang matandang gulang (ang pagiging ulyanin( upang wala siyang maging kaalaman pagkaraan siya ay maging marunong. At inyong nakikita ang tigang na lupa, nguni’t nang Aming ibinaba ang tubig (ulan) dito, ito ay sumibol (nagkaroon ng buhay), at ito ay yumabong at lumitaw ang bawa’t naggagandahang uri (ng pananim). (22:5)
Namuong Dugo / Nakadikit na Bagay: Kung paano ito inilalarawan, ito ay nakadikit sa sinapupunan, katulad ng isang lintang sumisipsip ng dugo ng ibang nilalang.
Isang nginatang bagay: Ito ay inilalarawan nang ganito dahil sa ang embriyon ay katulad ng anyo ng isang nginatang bagay.
Ang paghubog ng mga buto.
Ang pagbalot ng laman sa mga buto.
Ang pagbuo ng embriyon sa iba’t ibang anyo na kung saan ang pagsukat sa mga bahagi ng katawan ng tao ay mangyayari at bibigyan ito ng buhay
Ang embriyon ng tao ay dumadaan sa maraming yugto sa loob ng tatlong kadiliman katulad ng sinabi ng Allah:
Kayo ay Kanyang Nilikha (lahat) mula sa iisang tao (Adam); pagkaraa’y nilikha mula sa kanya ang kanyang asawa (si Hawa [Eba]). At Kanyang ibinaba para sa inyo mga hayupan na walong magkakapares (sa mga tupa, dalawa, lalake at babae; sa mga kambing, dalawa, lalake at babae; sa mga baka, dalawa, lalake at babae; at sa mga kamelyo, dalawa, lalake at babae). Nilikha Niya kayo sa sinapupunan ng inyong mga ina: sunodsunod na paglikha sa tatlong kubli ng kadiliman. Ganyan ang Allah, ang inyong Panginoon. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng Kaharian. La ilaha illa Huwa. (walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Kanya.) Paano kayo magkagayon nagsipagtalikod? (39:6)
Ang talatang ito ay nagsasabi na ang embriyon ay nababalutan ng tatlong balot, na binabanggit sa talatang ito bilang mga “kadiliman”. Ang tubig, hangin, liwanag at init ay hindi kayang makalagos sa mga balot na ito, ni hindi kayang makita ng mata lamang.
Si Dr. Maurice Bucaille21 said: ay nagsabi: Ang makabagong tagapagpaliwanag ng Banal na Qur′an ay nauunawaan sa talatang ito ang tatlong anatomiyang suson na nagbibigay proteksiyon sa bata sa loob ng sinapupunan sa panahon ng paglaki ng bata. Ang tatlong ito ay ang tinatawag na paligid ng tiyan, ang matris, at ang kapaligiran ng fetus (placenta, embryonic membranes, amniotic fluid)’22
Ang embriyon ay inilagay sa isang ligtas na lugar. Ang Allah ay nagwika:
Hindi ba Namin kayo nilikha mula sa (isang hamak na) tubig lamang (semilya)? Pagkaraa’y, inilagay Namin sa isang matatag na lagakan (sa sinapupunan ng ina). Para sa isang itinakdang panahon (ayon sa sukat ng bilang ng buwan ng pagdadalantao). Kaya, Kami ang nagtakda ng sukat at Kami ang pinakamahusay sa pagbibigay sukat (ng mga bagay. (77:20-23)
Si Dr. Gary Miller23 ay nagsabi: Isang mamamahayag ay nagtanong kay Propesor Keith Moore24: “Hindi mo ba naisip na baka ang mga Arabo ay maaaring batid na nila ang mga bagay na ito – ang paglalarawan ng embriyon, ang anyo nito at kung paano ito nagbabago at lumalaki? Maaaring hindi sila siyentipiko, nguni′t maaaring silang gumawa ng sarili nilang paghiwa – kumatay ng tao at sinuri ang mga bagay na ito.”
Kaagad binigyang-diin ng Propesor sa kanya na nakaligtaang nakita niya (ang mamamahayag) ang isang pinakamahalagang punto ng lahat ng mga ipinakitang mga litrato ng embriyon na itinanghal sa pelikula mula sa mga larawang kinuha sa pamamagitan ng mikroskopyo. Kanyang sinabi, walang saysay kung mayroon mang nagnais tumuklas hinggil sa embryology noong nakalipas na 14 libong taon, hindi nila kayang makita ito.
Ang lahat ng mga paglalarawan mula sa Banal na Qur′an sa anyo ng embriyon ay mga bagay na sadyang napakaliit upang makita ng mata lamang ng tao; kaya naman, kailangan ng sinuman ang mikroskopyo upang makita ito. Sa dahilang ang mga ganitong kagamitan ay ginamit pa lamang nitong mga nakaraang 200 taon, si Dr. Moore ay nagsabi nang may panunuya sa mamamahayag: “Marahil noong nakaraang 1,400 taon, isang tao ang may isang mikroskopyo nang lihim at ginawa ang kanyang pananaliksik, at hindi siya nagkamali saan mang aspeto nito.» Pagkaraa′y itinuro niya ito kay