Ang Allah ay nagwika:
Katotohanan, sa pagkakalikha ng mga kalangitan at ng kalupaan, at sa pagsasalitan ng gabi at araw, at ang mga sasakyang-dagat na naglalayag sa karagatan na may pakinabang sa sangkatauhan, at ang tubig (ulan) na ibinaba ng Allah mula sa langit at (ito) ay nagbigay buhay sa dati’y tigang na lupa at ang lahat ng uri ng mga hayop (nilikhang) nangagkalat mula roon at ang paiba-ibang ihip ng mga hangin at mga ulap na namumuo sa pagitan ng langit at lupa, ito ay mga palatandaan para sa mga taong may pang-unawa. (2:164)
Ang Banal na Qur’an ay ipinahayag kay Propeta Muhammad na hindi nakapag-aral. Hindi siya marunong bumasa ni sumulat. Ang karamihan sa kanyang mamamayan at angkan ay hindi rin nakapag-aral. Kaya naman, papaano gagawa ang isang taong katulad niya ng isang Payahag na makapagdudulot ng pagkamangha sa mga pinakamahuhusay at pinakamagagaling sa tao.
Ang Allah ay nagwika: Sabihin: «Kung ang Sangkatauhan at Jinn ay magkasama upang kumatha ng katulad ng Qur′an, hindi nila magagawang kumatha ng katulad nito, kahit sila ay magtulungan pa sa isa′t isa. (17:88)
Ang Propeta at ang karamihan sa kanyang mga kasamahan ay mga mahihirap, at kanyang binibigkas sa kanila ang mga talata mula sa Banal na Qur′an na naglalaman ng mga siyentipikong bagay. Makalipas ang mahigit na 1400 taon nang ipahayag ang Banal na Qur′an, ang makabagong siyensiya ay natuklasan lamang ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng mga makabagong kagamitan.
Sinabi ni Thomas Carlyle:
‘Ang isang mangmang ay nakatagpo ng relihiyon? Bakit, ang isang mangmang na tao ay hindi kayang magtayo ng bahay na bato! Kung hindi niya alam ang anumang dapat gamitin at anumang dapat gawin, hindi isang bahay ang kanyang magagawa bagkus isang bunton ng basura. Hindi ito tatagal na nakatayo nang labing-dalawang siglo, upang mapuno ng isandaan at walumpung-milyon; katiyakang ito ay babagsak kaagad-agad.’12