Ang Islamikong Pananaw sa Pangangailangang Seksuwal

Ang Islamikong Pananaw sa Pangangailangang Seksuwal  

Isinasaalang-alang din sa Islam ang seksuwal na pangangailangan, ang isa sa mga mahalagang kailangan ng tao na hindi dapat pigilin, bagkus dapat tugunin sa tamang pamamaraan. Hindi ito isang bagay na dapat libakin at hindi isang bagay na dapat iwasan ng tao

 

Ang Islam ay naglagay ng mga natatanging batas bilang mga panuntunan sa pagbibigay kaganapan sa pangangailangan niyang ito. Hindi dapat tugunin ng tao ang kanyang pita sa laman sa isang makahayop at mahalay na paraan. Dapat lamang bigyang-kasiyahan ito sa pamamagitan ng kasal. Ang pinakamimithing layunin ng pagpapakasal sa Islam ay upang maabot ang pangkaisipan at damdaming katatagan ng mag-asawa. Ang Allah ay nagwika: Sila ay inyong mga Libas (saplot sa katawan, o tabing, o Sakan [kasiyahan sa piling nila]) at gayon din naman kayo sa kanila. (2:187)


Pinangangalagaan ng Islam ang bawa’t isa at maging ang lipunan sa pamamagitan ng pagbabawal ng mga bagay na maaaring pumukaw sa pagnanasang-sekswal ng tao upang maiwasan ang paggawa ng pangangalunya o anumang kahalayan maging ito ay sinasadya o hindi, halimbawa – paggahasa


Ang mga masasamang gawaing ito ay magbubunga ng pagdami ng mga kabataan sa lipunan na walang kinikilalang magulang na dapat sanang magpalaki sa kanila tungo sa mataas na moralidad. Lilitaw sila sa lipunan bilang isang pangkat nang may matinding pagkapoot at pagkasuklam sa iba. Gayundin, ang mga sakit bunga ng mga gawaing kahalayang ito ay madaling kakalat sa lipunan.


Ang Allah ay nagwika:   At huwag lumapit tungo sa bawal na pakikipagtalik. Katotohanan, ito ay Fahishah (isang uri ng pagsuway at malaking kasalanan), at isang masamang gawa (na magbubulid sa Impiyerno malibang siya ay patawarin ng Allah) (17:32)