Ang Banal na Qur′an Tungkol sa Paglawak ng Sansinukob.


Ang Banal na Qur′an Tungkol sa Paglawak ng Sansinukob.

Ang Allah ay nagwika:
At Aming itinayo ang mga kalangitan sa sarili Naming mga Kamay. At Katotohanan, Kami ang panay na magpapalawak dito (51:47)


Ang Allah ay nagwika:
At (alalahanin) sa Araw na kapag Aming ilulon ang kalangitan katulad ng binalunbon na kasulatan. Katulad ng Aming unang paglikha, ito ay Aming uulitin. (Ito ay) isang pangako (na pinagtibay) Namin. Katotohanan, Aming gagawin ito. (21:104)


Ang Allah ay nagwika:
Sa Araw (na yaon) kapag ang kalupaan ay baguhin sa isa pang kalupaan at maging ang mga kalangitan, at sila (lahat ng nilikha) ay lilitaw sa harapan ng Allah, ang Nag-iisa, ang di-Mapaglalabanan (14:48)



Pinatototohanan ng mga talatang ito na ang sansinukob na ating ginagalawan ay patuloy na lumalaki sa kalawakan. Kung babalikan natin ang unang panahon, ay makikita natin na ang mga daigdig ay lumitaw sa tinatawag na Primeval Atom (iisa, kauna-unahang atomo) o ang tinatawag na cosmic egg. Pagkaraa’y, sa kautusan ng Allah, ito ay sumabog at naging isang mala-ulap na usok na mula rito’y nabuo ang mundo at ang mga kalangitan. Ang sansinukob ay patuloy na lumalaki sa kalawakan at ito′y hihinto lamang sa paglawak sa pag-uutos ng Allah. Pagkaraa’y mabubuwag ang sansinukob sa sarili nito at minsan pang magbabalik sa pagiging atomo. Ang pagsabog at pagbuo ay muling magaganap, at ang langit, di tulad ng ating kalangitan, o ang mundo na di katulad ng ating mundo ay mabubuo. Sa yugtong ito, ang buhay sa daigdig ay magwawakas, at ang tagpo (ng panibagong buhay) sa Kabilang Buhay ay magaganap. Ang lahat ng mga yugtong ito ay binanggit sa Banal na Qur′an. Kahi′t gaano pa ipaliwanag ng sinuman ang lahat ng detalye ng paksang ito gamit ang makabagong siyensiya, ito ay nabanggit na sa Banal na Qur′an na ipinahayag 1400 na taon na ang nakalipas! Ito ay nagpapatunay lamang na ang Banal na Qur′an ay tunay na salita ng Allah, na ipinahayag kay Propeta Muhammad at kanya namang itinuro sa mga tao ang mga bagay na ito sa panahong wala pang nakauunawasa mga ito. Nalaman lamang ng tao ang mga bagay na ito makalipas ang maraming siglo.

Ang mga Astronomers ay natuklasan na ang sansinukob ay patuloy sa paggalaw nito, at ito ay lumalawak. Ito ay natuklasan sa pamamagitan ng pag-aaral sa tinatawag na Galaxies at ang mga malalayong Celestial Bodies. Ang Amerikanong astronomer na si Vesto M. Slipher, na nag-aral sa spectra of galaxies, ay napansin na ang spectral lines ng ilang malapit na systems ay nagbago tungo sa higit na mahahabang wavelength. Ang pagbabagong ito sa wave-length ay nagpapakita ng pag-urong ng halos lahat ng galaxie palayo mula sa Milky Way sa ilang daang kilometro bawa′t segundo.15
 
Ang Amerikanong astronomer na si Edwin Hubble ay pinatotohanan din na ang sansinukob ay lumalawak, at habang lumalayo ang isang galaxy, lalong bumibilis ang pag-urong nito; at ang pag-urong nito ay ayon sa agwat ng layo nito.16
 
Sa pamamagitan nito ay makikita natin na ang mga dalubhasa sa astronomiya ay pinagtitibay ang patuloy na paglawak ng sansinukob. Ang paglawak na ito ay magpapatuloy hanggang sa ang gravity ay mawala na ang paghatak nito at ang mga buntala ay kumalat sa sansinukob na hahantong sa katapusan ng mundo.

Ang Allah ay nagwika:   Kapag ang kalangitan ay magkabiyak-biyak. At kapag ang mga bituin ay magkawatak-watak (82:1-2)