Sa Islam, ang mga kalalakihan at kababaihan ay magkaiba at ang bawa′t isa ay may kanya-kanyang gampanin. Sa Islam, ang pagbibigay dangal at galang sa mga kababaihan ay isang tanda ng kabutihan, kaaya-ayang asal at likas na magandang pag-uugali. Ang Sugo ay nagsabi: “Ang pinakamahusay sa inyo ay yaong pinakamabuti sa kanilang mga asawa.” (Tirmidhi)
Ang mga kababaihan ay siya ring unang dapat pagpakitaan ng mga kalalakihan ng gawaing matuwid, pagpapanatili ng ugnayan, at mabuting pagtrato. Isang lalaki ang nagtanong sa Sugo na si Muhammad kung sino ang unang dapa′t niyang bigyan ng pinakamahusay na pakikitungo at paggalang, ang Sugo ay sumagot: “Ang iyong ina.” Muli siyang nagtanong: “At pagkatapos sino?” Ang Sugo ay sumagot, ‘ang iyong ina.’ At siya’y muling nagtanong: “At pagkatapos sino?” Siya’y nagsabi ‘Ang iyong ina.’ At siya ay muling nagtanong sa huling pagkakataon: “At pagkatapos sino?” Siya’y nagsabi: ‘Ang iyong ama.’ (Bukhari)
Ang Sugo ng Islam na si Muhammad ay nagsabi: “Ang mga kababaihan ay kakambal ng kalati ng kalalakihan.” (Abu Dawud)
•Ang mga kababaihan ay pantay sa mga kalalakihan sa kanilang pagkatao. Hindi sila ang pinagmumulan ng kasalanan, ni hindi sila ang dahilan upang si Adam ay itinaboy mula sa Jannah (Paraiso).
• Ang mga kababaihan ay pantay sa mga kalalakihan sa kanilang kakanyahan. Hindi rin inaalis sa kanila ang kanilang apelyido at ang apelyido ng kanilang pamilya kapag sila ay mag-asawa. Hindi mapapawi ang kanilang dating apelyedo nang dalaga pa sila, ni hindi sila susunod sa apelyido ng kanilang mapapangasawa.
• Ang mga kababaihan ay pantay sa mga kalalakihan hinggil gantimpala at parusa sa daigdig na ito at sa kabilang buhay.
• Ang mga kababaihan ay pantay sa mga kalalakihan hinggil sa pagpapanatili ng Islam sa kanilang kadalisayan at karangalan.
• Ang mga kababaihan ay pantay sa mga kalalakihan hinggil sa kanilang karapatang magmana.
• Ang mga kababaihan ay pantay sa mga kalalakihan sa pagkakaroon ng karapatan na gawin ang kanilang nais sa kanilang sariling yaman.
• Ang mga kababaihan ay pantay sa mga kalalakihan sa pananagutan sa pagbalikat ng mga tungkulin sa ikabubuti ng lipunan.
• Ang mga kababaihan ay pantay sa mga kalalakihan sa kanilang karapatang makatanggap ng edukasyon at tamang pagpapalaki.
Ang Propeta ay nagsabi: “Sinuman ang may tatlong anak na babae o tatlong kapatid na babae, at may takot sa Allah sa pangangalaga sa kanila, makakasama ko siya sa Paraiso kagaya nito. «At itinaas niya ang kanyang mga daliri na ang hintuturo at ang gitnang daliri na magkadikit).” (Ahmad)