Mahal ng mga Muslim si Hesus at ang kanyang Ina na si Maria


Mahal ng mga Muslim si Hesus at ang kanyang Ina na si Maria

Si Hesus () ay malinaw na binanggit sa Banal na Qur′an sa labing-anim na magkakaibang tagpo. Sa isang tagpo, mula sa Surah (Kabanata) AlMai′da, talata 110 ang Allah ay nagsabi(Alalahanin) nang ang Allah ay magsasabi (sa Araw ng Pagkabuhay Muli): “O Hesus, anak ni Maria! Alalahanin ang Aking pagpapala sa iyo at sa iyong Ina nang ikaw ay Aking tangkilikin sa pamamagitan ng Ruh Al Qudus (Gabriel) upang ikaw ay mangusap sa mga tao mula sa iyong duyan (kamusmusan) at sa iyong tamang gulang at nang ituro Ko sa iyo ang (kakayahan ng) pagsulat, ang Hikmah (ang kakayahang unawain) ang Tawrat (Batas) at ang Injeel (Ebanghelyo) at nang gawin mo mula sa luwad (putik) ang isang hugis na tulad ng isang ibon sa (pamamagitan ng) Aking kapahintulutan at pinagaling mo ang ipinanganak na bulag at ang mga ketongin sa Aking Kapahintulutan. At nang panumbalikin mo ang buhay ng isang patay sa Aking Kapahintulutan at nang Aking sugpuin ang mga Angkan ni Israel laban sa iyo. (Nang sila ay maglayong ikaw ay kanilang patayin( nang ikaw ay dumating sa kanila na may malinaw na katibayan, at ang Kafirun sa kanila ay nagsabing: “Ito ay walang anupaman maliban sa isang hayag na mahika.” (5:110)

Sa kabilang dako naman si Propeta Muhammad ay malinaw na binanggit sa Banal na Qur′an apat na beses lamang samantalang si Birheng Maria ang ina ni Hesus ay walong beses na binanggit at may isang natatanging Surah (kabanata) na ipinangalan sa kanya, ang Surah Mariam. Ang Allah ay nagsabi mula sa Surah (kabanata) Al-Imran, talata 45:

(Tandaan!) nang sabihin ng mga anghel: “O Maryam (Maria)! Katotohanan, ang Allah ay nagbibigay sa iyo ng magandang balita ng isang Salita (“Maging! at nangyari nga”) mula sa Kanya. Ang kanyang pangalan ay Mesiyas ‘Issa (Hesus), ang anak ni Maryam (Maria). At (siya ay) may marangal na katayuan sa mundong ito at sa Kabilang Buhay. At (siya’y) mabibilang sa mga malalapit (sa Allah). (3:45)


At bilang isang pamilya, sila ay binanggit din sa Banal na Qur′an ng tatlong beses at sila′y nabigyan natatanging karapatan sa pagkakaroon ng kumpletong Surah (Kabanata sa Banal na Qur′an) na ipinangalan mula sa kanila - ang Surah Al-Imran (ang Angkan ni Imran). At ito ay nakatatak na sa puso at isipan ng mga mananampalataya magpakailanman