Ang Allah ay nagwika:
At walang anumang maitatago sa inyong Panginoon (kahit na) ang timbang ng isang atomo sa kalupaan at kalangitan. Ni hindi (maitatago) ang anumang liliit kaysa rito o anumang higit na malaki kaysa rito, bagkus ang mga ito’y nakatala sa isang Malinaw na Talaan (10:61)
Nilinaw ng Allah sa magandang talatang ito na walang anuman ang natatago o nalilihim sa Kanya sa sansinukob, kahit na gaano pa ito kaliit. Pinaniwalaan na ang atomo ay siyang pinakamaliit na bagay sa sansinukob. Matapos na ito’y mahati, natuklasang may malilit na bagay pa na may positive electrical properties katulad ng protons, at ang negative electrical properties na tulad naman ng electrons.
Noong taong 1939, ang mga paham na Aleman na sina Hahn at Strassman mula sa Unibersidad ng Berlin ay hinati ng isang uranium atomo. Sa kanilang masusing pananaliksik, natuklasan nila ang higit na maliliit elemento. Naabot na ng makabagong siyensiya ang mataas na antas ng technical development and scientifc advancement sa iba’t ibang larangan ng buhay. Ang pag-unlad ay susulong pa rin sa hinaharap. Ang pamamaraang ito ay magpapatuloy hanggang sa Araw ng Paghuhukom.
Ang pinagsamang kakayahang taglay ng sangkatauhan sa larangan ng kaalaman ay hindi kailan man makaaabot o makalalapit kahit kaunti sa Kaalaman at Kakayahan ng Allah.
Ang Allah ay nagwika:
At tinatanong ka nila (O Muhammad) tungkol sa Ruh (ang espiritu). Sabihin: ‘Ang Ruh ay isa sa mga bagay na ang kaalaman hinggil dito’y nasa aking Panginoon lamang. At hinggil sa kaalaman sadyang kaunti lamang ang ipinagkaloob sa inyo (sangkatauhan (17:85)
Ang Kaalaman ng Allah at ang Kanyang kakayahan ay walang hangganan at hindi kayang tularan. Ipinakikita ng Allah sa mga talatang ito mula sa Banal na Qur′an ang payak na pagpapaliwanag para sa atin nang sa gayo’y ating makilala at matanggap ang malaking kaibahan ng Kanyang Kaalaman sa ating kaalaman. Kaluwalhatian sa Allah!