Ang Banal na Qur′an ay ang saligang-batas ng mga Muslim na kung saan nila kinukuha ang mga katuruan na bumubuo ng kanilang pangrelihiyon at pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ay naiiba sa mga naunang Banal na kapahayagan sa mga sumusunod na katangian:
Ito ang kahuli-hulihang Banal na Aklat na ipinahayag, at dahil dito, ang Allah ang Kataas-taasan ay nangako na pangangalagaan ito sa anumang pagkasira at pagbabago hanggang sa Huling Araw (ang Araw ng Paghuhukom) Ang Allah ay nagwika:
Katotohanan, Kami ang nagbaba nitong Dikhir (ang Qur′an) at katiyakan, ito ay Aming pangangalagaan. (15:9)
n includes all the legislations which reform society and that guarantee happiness for all in its implementation.
Ang Banal na Qur′an ay naglalaman ng tunay na pangyayari sa buhay ng mga Propeta at Sugo ng Allah, ang mga kaganapan sa pagitan nila at ng kanilang mga nasasakupan, mula kay Adam hanggang kay Muhammad
Ito ay ipinahayag para sa lahat ng sangkatauhan upang sila ay mamuhay nang mapayapa at maligaya, at upang alisin sila sa kadiliman at idala sila sa liwanag.
Ang pagbigkas, pag-sasaulo at pagtuturo ng Banal na Qur′an ay isang uri ng pagsamba.