Ang Islam at ang mga di-Muslim

Ang Islam at ang mga di-Muslim  

Pinangangalagaan ng Islam ang buhay, yaman at dangal ng mga diMuslim na may kasunduan sa isang Islamikong bansa. Hindi sila dapat maharap sa anumang uri ng pang-aapi o paglapastangan. Hindi sila dapat pagkaitan ng kanilang karapatan, ni hindi sila dapat pakitunguhan nang may pagmamalupit. 


Ang Allah ay angsabi:  Hindi kayo pinagbabawalan ng Allah na makipagugnayan nang makatarungan at nang may kabaitan sa kanila na hindi nakikipaglaban (umuusig o tumutuligsa) sa inyo nang dahil sa inyong relihiyon at maging yaong hindi nagtataboy sa inyo mula sa inyong mga tahanan. Katotohanan, minamahal ng Allah yaong gumagawa ng makatarungan (60:8)


Ang Sugo ng Islam na si Muhammad ay nagsabi: “Katotohanan sinumang lumapastangan sa isa sa ating mga nasasakupan (mga di-Muslim), inalisan ng kanyang karapatan, binibigyan siya ng pasaning higit sa kanyang makakaya, o kumuha ng mga bagay mula sa kanyang pag-aari na wala siyang pahintulot, magkagayo’y sasalangutin ko siya sa Araw ng Pagsusulit.» At pagkaraa’y itinuro ang kanyang daliri sa kanyang dibdib. «Katotohanan sinuman ang pumatay sa sinumang ating nasasakupan (mga di-Muslim), na nasa ilalim ng pamamahala ng Allah at ng Kanyang Sugo, ang Allah ay ipagbabawal sa kanya ang amoy ng Jannah (Paraiso), at katotohanan ang halimuyak ng Jannah (Paraiso) ay masasamyo sa layong pitumpung-taong paglalakbay.” (Baihaqi)

Sinabi pa ng Sugo ng Islam na si Muhammad  : “Pinagutusan ako ng aking Panginoon na huwag apihin ang mga tao sa ating nasasakupan (mga di-Muslim na naninrahan sa lupain ng mga Muslim) o maging ang iba pa sa kanila.” (Baihaqi)