Ano ang Nabanggit sa Banal na Qur′an Tungkol sa Karagatan.


Ano ang Nabanggit sa Banal na Qur′an Tungkol sa Karagatan.

Ang Tungkol sa Harang sa Pagitan ng mga Karagatan. .

 

 

Ang Allah ay nagwika:
At Siya ang nagpalaya sa dalawang dagat (dalawang uri ng tubig), ito ay naiinom at malinis, at iyon (ang isa naman) ay maalat at mapait; at Kanyang inilagay sa pagitan nito ang isang harang at isang ganap na pagkakahati sa pagitan nila (25:53)



Ang katibayan na ang tubig sa mga karagatan ay hindi naghahalo ay natuklasan lamang kamakailan ng mga oceanographers. Ito ay bunga ng pisikal na lakas na tinatawag na “surface tension” 26 Samakatuwid, ang tubig ng mga magkakalapit na dagat ay hindi naghahalo. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng lapot o kapal (density) ng kanilang tubig. Hinahadlangan ng tinatawag na surface tension ang paghahalo ng isa’t isa, na animo’y may isang manipis na pader sa pagitan nila. Ang tubig ng ilog ng Amazona ay bumubuhos sa Dagat Atlantiko, magkagayunma’y nananatili ang sarili nitong katangian kahit pa man din umagos ng 200 metro sa dagat.

Ang Tungkol sa Kadiliman ng Dagat.


Ang Allah ay nagwika: 
O (ang kalagayan ng isang di-mananampalataya) ay katulad ng kadiliman sa kailaliman ng karagatan, natabunan ng mga alon na pinangimbabawan pa rin ng mga alon, pinangimbabawan ng maiitim na mga ulap, (patung-patong na) kadiliman sa mga kadiliman: kung iuunat ng isang tao ang kanyang kamay, hindi niya makikita ito! At sa kanya na hindi itinalaga ng Allah ang liwanag, (samakatuwid) sa kanya ay walang (makikitang) liwanag. (24:40)


Nababatid ng marami at pinagtibay ng siyensiya na walang liwanag sa pinakamalalim na bahagi ng karagatan – kadiliman lamang. Ang dahilan nito’y hindi kayang abutin ito ng sinag ng araw, sapagka’t ang lalim ng bawa’t dagat ay nasa ilang daang metro hangang 11,034 metro ang lalim! Ang kadiliman sa ilalim ng dagat ay matatagpuan sa lalim na 200 metro. Halos wala ng liwanag sa ganitong lalim. Sa lalim na 1,000 metro sadyang wala ng liwanag na matatagpuan. Samakutwid, halos lahat ng sinag ng araw ay sinisipsip ng tubig-dagat sa lalim na 100 metro. Ang bahaging ito ng karagatan ay maliwanag na bahagi o ang tinatawag na luminous portion. Ang 1% na sinag ng mula sa araw ay makikita sa lalim na 150 metro, at0.01% na lamang ng sinag ng araw ang maaaninag sa lalim na 200 metro.


Ang Ozone layer sa kalawakan ay nagpapaaninag sa karamihan ng tinatawag na ultra-violet rays, samantalang ang mga ulap ay nagpapaaninag sa 30% at sinisipsip naman nito ang 19%. Mga 55% na lamang ng sinag ang nakaaabot sa dagat. Tanging sa pagitan na lamang ng 3 at 30% ng sikat ng araw ang umaabot sa ibabaw ng dagat. Pagkaraa’y halos lahat ng pitong kulay ng tinatawag na light spectrum ay sunud-sunod na sinisipsip ng tubig-dagat sa unang 200 metro, maliban sa asul na liwanag.27

Ang Tungkol sa Alon sa Ilalim ng Dagat.

Ang mga siyentipiko ay natuklasan kamakailan na may alon sa ilalim ng dagat o ang tinatawag na internal waves. Ito ay sanhi ng tinatawag na density interfaces sa pagitan ng mga suson ng magkakaibang lapot o kapal (density)28 Ang alon sa ilalaim ng dagat ay sakop ang malalalim na bahagi ng karagatan sapagka′t ang kailaliman ay higit ang kalaputan o kakapalan (density) kaysa sa tubig na nasa ibabaw ng mga ito. Ang mga alon sa ilalim ay gumagalaw katulad ng mga alon na makikita sa ibabaw ng dagat o ang tinatawag na surface waves. Maaari din itong mapatid o mabuwag katulad ng mga alon sa ibabaw ng dagat. Ang mga alon sa ilalim ng dagat ay hindi makikita ng mata ng tao, nguni′t maaari itong mapansin o matuklasan sa pamamgitan ng pag-aaral ng temperatura o ng pagbabago ng alat o ang tinatawag na salinity changes sa isang lugar.

Bilang halimbawa, ang tubig sa dagat ng Mediterranean ay mainit-init, maalat, at higit na kulang sa lapot o kapal (density) kung ihahambing sa tubig ng dagat Atlantic. Kapag ang tubig sa dagat ng Mediterranean ay papasok sa Atlantic sa may Gibraltar sill, ito ay aagos ng ilang daang kilometro sa tubigng Atlantic sa lalim na halos 1,000 metro sa dati nitong mainit-init, maalat at higit na kulang sa lapot o kapal. Ang tubig-Mediterranean ay magiging matatag sa ganitong lalim bagaman may malalaking alon, at malakas na agos. Hindi sila maghahalo o maglalagos sa kanilang harang.

Ang mga impormasyong ito ay nabatid lamang natin sa panahong ito, sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at ng mga makabagong kasangkapang magagamit upang makita ito. Ang Propeta  ay namuhay sa isang disyerto na malayo sa karagatan, at hindi siya naglayag sa alinman sa mga karagatan. Ang pagbibigay ng ganitong impormasyon ay isang katibayan sa pagkatotoo ng Banal na Qur′an.