Winika ng Allah sa Banal na Qur′an: At kahit na Aming binuksan sa kanila ang isang tarangkahan sa langit at patuloy silang pumailanlang doon, katiyakang sila ay magsasabi: Ang aming mga mata’y tila nanggilalas, (at wala kaming nakitang anumang anghel o langit). Hindi, kami ay mga taong naingkanto.’ (15:14-15)
Ang pagkakatulad ay kagila-gilalas. Inihaharap nito ang isang katotohanan na dating walang kaalaman ang tao hinggil dito, at ito ay natuklasan lamang sa panahon ng pagsisiyasat sa kalawakan (space exploration) noong ika-anim na dekada. Ang buong sansinukob ay nababalot ng kadiliman. Ang liwanag na nakikita sa mundo ay matatanaw mula sa layong 200 kilometro, lampas dito, ang araw ay makikita sa animo’y kulay asul na hugis bilog. Ang kadiliman ay makikita rin sa bawa′t direksiyon, dahil sa kakulangan ng hamog-tubig (water vapor) at mumunting alikabok (dust particles). Ang Allah, na sadyang malayo sa anumang kakulangan, ang Siyang nagsabi sa atin ng katotohanang ito.