Ang paghahanap ng kaalaman ay isang tungkuling panrelihiyon. Na siyang ipinag-uutos ito ng Islam sa mga Muslim.
Ang mga pantas na Muslim noong unang panahon ay ginagamit ang kanilang kaalaman upang palakasin ang pananampalataya ng tao, na siya namang kabaliktaran ng mga pantas sa ngayon na ginagamit ang kanilang kaalaman upang pahinain paniniwala ng tao sa Diyos.
Ang mga pantas na Muslim noong unang panahon ay ginagamit ang kanilang kaalaman upang tulungan ang sangkatauhan, na siyang kabaliktaran sa karamihan ng mga pantas sa ngayon na gimagamit ang kanilang kaalaman sa pagsasamantala at sa makasariling layunin.Ang mga siyentipiko sa panahong ito ay umimbento ng mga bombang atom at hydrogen at iba pang uri ng sandatang maaaring magwasak nang marami (mass destruction); pagkaraa’y hinahadlangan nila ang ibang magkaroon nito sa pagtatangka nilang pamahalaan at kamkamin ang kayamanan ng mundo.
Ang mga pantas na Muslim noong unang panahon ay nagpalaganap ng kanilang kaalaman upang ang tao ay makinabang mula rito, na siya namang kabaliktaran sa ibang pantas na itinatago ang kanilang kaalaman para sa sariling kapakanan o para sa sariling bansa at pigilan ang ibang magkaroon nito
Ang mga pantas na Muslim noong unang panahon ay naglayon upang makamtan ang Habag ng Allah at ang Kanyang mga biyaya, na siya namang kabaliktaran ng mga pantas sa kasalukuyang panahon na nagsusumikap upang makamtan ang materyal na kapakinabangan sa kanilang pagtuklas