Sino ang mga Nagpapakita ng Pagkapoot sa Islam?


Sino ang mga Nagpapakita ng Pagkapoot sa Islam?

Kung ating titingnan ang mga relihiyon sa buong mundo, mapagtatanto na ang Islam ay ang relihiyong kinamumuhian ng karamihan ng tao. Ano ang dahilan ng ganitong lantad na pagkapoot? Kung sisiyasatin nating mabuti yaong hayagang nagpapakita ng pagkamuhi sa Islam, mabibilang sila sa isa sa mga sumusunod ng kaurian:

1) Politista at mga Mangmang: 

Dahil ang Islam ay relihiyon ng katotohanan na nagbabawal sa pagsamba at pagpapakita ng pagyuko kaninuman maliban sa Allah

Ang Allah ay nagwika:
Sabihin mo (O Muhammad) sa mga sumasamba sa mga diyusdiyusan: “Kayo ba ay nag-uutos sa akin na sambahin ang iba bukod sa Allah? O kayong mga mangmang!” (39:64)


2) Yaong ang Likas na Kalooban ay Nahaluan: 

Dahil sa ang Islam ay relihiyon na umaayon sa likas na kalooban ng tao.

Ang Allah ay nagwika:
Kaya, iyong ibaling (O Muhammad) ang iyong mukha tungo sa relihiyon ng katotohanan – ang angking likas na katayuan (Monoteismo) na kung saan nilikha ng Allah ang lahat ng tao. Walang dapat magbago sa relihiyon ng Allah: ito ang matuwid na relihiyon, nguni’t karamihan sa tao ay hindi nakababatid (nito). (30:30)

3) Ang Hindi Makatarungang Tao:  

Dahil ang Islam ay relihiyon ng pagkamakatarungan at pagkamatapat.

Ang Allah ay nagwika:
Katotohanan, ipinag-uutos ng Allah ang katarungan at magandang pag-uugali at pagbibigay tulong sa kamag-anak, at ipinagbabawal ang kalaswaan at masamang pag-aasal at pang-aapi. Kayo ay Kanyang binibigyan ng babala sakaling kayo ay mapaalalahanan.. (16:90)


4) Yaong mga Nagnanais Magkalat ng Kasamaan at Kasalanan:  

Dahil ang Islam ay relihiyon ng pagkamakatarungan at pagpapabuti.

Ang Allah ay nagwika:
….at sila (mga di-mananampalataya) ay lagi nang nagpupunyagi (na nagdudulot) sa katiwalian, at hindi naiibigan ng Allah ang mga gumagawa ng katiwalian. (5:64)


5) Mga Mapaglabag:  

Dahil ang Islam ay relihiyon ng Kapayapaan.

Ang Allah ay nagwika:
 
At makipaglaban sa Landas ng Allah sa mga nakikipaglaban (o umuusig) sa inyo subali’t huwag lumagpas sa hangganan. Katotohanan, hindi minamahal ng Allah ang mga mapaglabag. (2:190)


6) Ang mga Panatiko at mga Mapagpakalabis:

Dahil ang Islam ay katamtamang relihiyon.

Ang Allah ay nagwika:
At ginawa Namin kayong isang katamtaman at makatarungang pamayanan upang kayo ay maging saksi sa sangkatauhan, at ang Sugo (Muhammad) ay maging saksi sa inyo. (2:143)

7) Mga Taong Nagnanais ng Kalaswaan:

Dahil ang Islam ay relihiyon ng kadalisayan.

Ang Allah ay nagwika:
At iwasang lumapit sa bawal na pakikipagtalik ( sa pamamagitan ng pag-iwas sa anumang kaganapan na maaaring mauwi rito). Katotohanan, ito ay mananatiling malaswang gawain at isang landas ng kasamaan. (17:32)


8) Yaong Nagnanasa ng Makamundong buhay:

Dahil ang Islam ay relihiyon ng pagtutulungan at habag na siyang katunggali ng pagsasamantala sa mga pangangailangan at kahinaan ng tao.

Ang Allah ay nagwika:
At huwag kunin ang ari-arian ng iba nang di-makatarungan (sa pamamagitan ng pagnanakaw, panloloob, pandaraya, at iba pang gawaing labag sa batas( at huwag kayong magbigay ng suhol sa mga namumuno (sa mga hukom bago magsampa ng usapin sa hukuman) upang inyong makamkam lamang ang ilang bahagi ng ari-arian ng iba sa paraang makasalanan. (2:188)


9) Yaong mga Mapanghamak at Mapanlibak sa Tao at Itinuturing ang mga Sarili bilang mga Itinanging Lahi:as Islam is a religion of equality which fights all forms of racism and prejudice. 

Ang Allah ay nagwika:
O, sangkatauhan, Nilikha Namin kayo mula sa isang lalaki at babae, at ginawa Namin kayong iba’t ibang pamayanan at angkan (tribu) upang kayo ay mangagkakilala. Katotohanan, ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ng Allah ay yaong makadiyos sa inyo. Katotohanan, ang Allah ay Lubos na Maalam, ang Lubos na Nakababatid. (49:13)