Siya ay si Abul-Qasim, Muhammad, ang anak ni Abdullah, na anak ni AbdulMuttalib, na anak ni Hashim. Siya ay kabilang sa tribu ng Arabong Quraish na ang mga ninuno ay mula kay ′Adnaan, isa sa lipi ni Ishmael, ang Propeta ng Allah. Si Ishmael ay anak ni Abraham, na isang Sugo ng Allah.
Si Muhammad ay isinilang sa taong 571 C.E. sa isang pinagpipitaganang lungsod ng Makkah. Ang Makkah ay ang sentro ng pananampalataya sa buong kapuluan ng Arabia, na kung saan ay matatagpuan ang Ka′bah, na itinayo ni Abraham at ng kanyang anak na si Ishmael.
Bago pa man siya nakatanggap ng pahayag, siya ay kilala na ng kanyang mamamayan bilang «Ang Mapagtitiwalaan», at ipinagtitiwala sa kanya ang kanilang yaman kung sila ay naglalayong maglakbay. Siya ay kilala rin bilang «Ang Makatotohanan» dahil sa mga katotohanang nakikita nila sa kanya. Hindi siya nagsinungaling o naging mapagmataas. Lagi niyang inaasam ang kabutihan para sa iba.
tinanggap niya ang unang pahayag (sa Banal na Qur′an) sa gulang na apatnapu, at ipinagbigay alam niya ito sa kanyang asawa na si Khadeejah, kalugdan nawa siya ng Allah. Ang Propeta ay nagsabi: “Katotohanan natatakot ako para sa sarili ko.” Sumagot si Khadeejah, “Huwag, sa Ngalan ng Allah! Hindi ka pababayaan ng Allah. Katotohanan, pinanatili mo ang ugnayan sa kamag-anak, binalikat mo ang mga problema ng iba, binahaginan mo ng yaman yaong mga nangangailangan nito, tinanggap mo at pinakain ang iyong mga panauhin, at tumulong ka sa panahon ng kalamidad” (Bukhari) Nanatili siya sa Makkah sa loob ng labintatlong taon, nanawagan siya sa mga tao na sumampalataya lamang sa Nag-iisang Diyos – ang Allah.Pagkatapos siya ay nangibang-bayan sa Madina at inanyayahan sa Islam ang mga naninirahan doon, na tinanggap naman nila. Muli siyang nagbalik at sinakop ang Makkah walong taon matapos ang kanyang pag-alis mula rito. Siya ay namatay sa edad na animnapu’t tatlo pagkatapos na maipahayag sa kanya ang kabuuan ng Banal na Qur′an. Ang lahat ng batas ng relihiyon ay napagtibay at nakumpleto at karamihan sa mga nasyon ng Arabo ay tinanggap ang pananampalatayang Islam.
Si George Bernard Shaw sa aklat na «The Genuine Islam» ay nagsabi: “Lagi kong inilalagay ang relihiyon ni Muhammad sa mataas na pagpapahalaga dahil sa naiiba nitong kahanga-hangang lakas. Ito lamang ang nag-iisang relihiyon na nagpapakita ng kakayahang tumugon sa nagbabagong kalagayan ng buhay na siya namang kaakit-akit sa bawa’t panahon. Hinulaan ko ang pananampalataya ni Muhammad na ito ay magiging katanggap-tangap bukas dahil ito ay nagsisimula nang maging katanggap-tanggap para sa mga taga-Europa sa ngayon. Ang makalumang kaparian, dulot ng kamangmangan o pagkapanatiko, ay inilarawan ang Mohammedanismo sa pinakamadilim na kulay. Sa katunayan, sila ay hinubog at sinanay upang magalit sa taong si Muhammad at sa kanyang dalang relihiyon. Para sa kanila, si Muhammad ay isang anti-Kristo. Ako ay nagsiliksik hinggil kay Muhammad , isang kahanga-hangang tao, at sa aking pananaw ay malayo siya sa pagiging isang anti-Kristo. Bagkus siya ay dapat tawaging Tagapagligtas ng Sangkatauhan.
Si Annie Besant3 sa «The Life and Teachings of Mohammad», ay nagsabi: “Imposible sa sinumang nag-aaral hinggil sa talambuhay at paguugali ng dakilang Propeta ng Arabia (Muhammad ), na nalaman kung paano siya nagturo at namuhay, na makadama siya ng anupaman maliban sa paggalang sa dakilang Propeta – isa sa mga dakilang Sugo ng Kataas-taasan – ang Allah. At bagama′t maaaring nababatid na ng marami kung ano ang ilalahad ko sa inyo, ako mismo ay nakadarama ng bagong paghanga kahit paulit-ulit kong basahin ito – isang bagong damdaming paghanga sa dakilang guro ng Arabia