Ang Islam, isang Banal na Relihiyon, ay sadyang ganap sa lahat ng aspeto. Ito ang saligang-batas para makamtan ang maligayang buhay sa mundong ito, at matamo ang walang-hanggan at walang-katapusang kagalakan sa Kabilang Buhay. Maaaring makatagpo kayo ng ilang mga Muslim na gumagawa ng lihis at masama sa kanilang sarili o sa iba, subali’t dapat malaman na ang Islam ay walang kinalaman sa ganitong mga kamalian. Ito marahil ay sanhi ng kanilang kakulangan sa kaalaman sa kanilang relihiyon o kahinaan sa kanilang pananampalataya na siyang nagtutulak sa kanila upang gawin ang anumang inyong nakikita. Kaya huwag husgahan ang Islam ayon sa anumang inyong maaaring maranasan sa ilan sa mga tagasunod nito. Nawa’y magsilbing susi ang maikling babasahing ito bilang pasimula ng inyong pananaliksik sa katotohanan, nguni′t kailangang lakipan ng mga sumusunod na katangian:
Dapat maging bukas ang isipan at iwaksi ang anumang pagkiling sa relihiyon.
Dapat magkaroon ng matapat na pagnanais na matamo at malaman ang katotohanan at huwag ituon ang kaisipan sa paghahanap ng mga kapintasan.
Dapat mag-isip nang malaya at huwag maghusga dahil lamang sa narinig na paghuhusga ng iba
Ang lahat ng pagpupuri ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng mga Daigdig
Nawa’y itampok ng Allah ang pagbanggit sa Kanyang Propeta na si Muhammad at sa kanyang pamilya at iligtas siya sa anumang paninira. Kung nais ninyong magkaroon ng karagdagang impormasyon, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin.