Ito ang dalawang burol kung saan ang ina ni Ishmael ay tumakbo at tumindig sa ibabaw nito habang naghahanap siya ng tulong at tubig; sa panahon ng Hajj (paglalakbay sa Makkah) ang mga tao ay naglalakad at tumatakbo sa pagitan ng dalawang burol na ito bilang pagsunod sa Sunnah ng Propeta .
Ito ang mga lugar kung saan si Satanas ay nagpakita kay Propeta Abraham nang iwan niya ang kanyang asawa at anak sa Makkah, upang siya ay mag-atubili. Kumuha siya ng ilang bato at pinukol si Satanas. Sa panahon ng Hajj (Paglalakbay sa Makkah), ang mga Muslim ay nagpupukol ng malilit na bato sa mga haliging ito bilang pagsunod sa Sunnah ng kanilang ama na si Abraham. Sila’y nagpapahayag na si Satanas ay isang malinaw na kaaway na dapat labanan. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtutol sa mga masasamang pagnanasa at pagsunod sa mga ipinag-uutos ng Allah at umiwas sa mga ipinagbabawa
Ang mga Muslim ay may dalawang natatanging padiriwang na ginaganap sa loob ng isang taon, ang unang pagdiriwang ay ang Eed′ul Fitr na ipinagdiriwang pagkatapos ng buwan ng Ramadhan, at ito ang hudyat ng pagtatapos sa panahon ng pag-aayuno. Ang ikalawang pagdiriwang ay tinatawag na Eed′ul Adha. Ang pagdiriwang na ito ay ginagawa ng mga Muslim upang mapalapit sa Allah sa pamamagitan ng pagkatay ng iaalay na hayop bilang pagsunod sa Sunnah (mga ginawa) ng ama ng pananampalataya na si Abraham:Nakita niya sa kanyang panaginip na iniaalay niya ang kanyang anak na si Ishmael, at ang panaginip ng mga Propeta ay totoo. Nang iaalay na niya ang kanyang anak na si Ishmael, ang Allah ay nagwika: Kaya binigyan Namin siya (Abraham) ng magandang balita ng isang matiising anak (na lalaki). At nang siya ay sumapit na sa tamang gulang na maaari ng lumakad na kasama niya, siya ay nagsabi: “O aking anak! Aking nakita sa panaginip na kita’y iniaalay. Kaya, ano ang sa palagay mo!» Kanyang sinabi: “O aking ama! Gawin mo ang ipinag-uutos sa iyo, kung marapatin ng Allah, ako ay iyong matatagpuang matiisin.» At nang kapuwa sila tumalima (sa kagustuhan ng Allah) at kanyang ilapag siya na nakapatirapa ang kanyang ulo; Kami ay tumawag sa kanya: “O Abraham! «Naisakatuparan mo na ang panaginip!” Katotohanan, ganyan Namin binibigyang gantimpala ang mga Muhsin (mapaggawa ng kabutihan (37:101-105)