Ang Masjid ng Al-Aqsaa ay nasa sagradong lugar, na pinili ng Diyos mula pa noong unang panahon. Ito ay itinuring sadyang itinuring na ganito upang ang mga mananampalataya ay magpuri sa Panginoon. Ang Masjid ng Al-Aqsaa ay ang ikalawang lugar ng dalanginan na itinayo sa mundo. Si Abu Dhar ay nagsabi: Aking sinabi, “O Mensahero ng Allah, ano ang unang Masjid na naitayo dito sa mundo? Kanyang sinabi na ang “Masjid Haraam”, pagkatapos ay aking itinanong; “Ano ang ikalawang Masjid?” Kanyang sinabi na “Masjid Al-Aqsaa”. Aking itinanong “Ano ang pagitan sa pagkakatayo ng dalawang Masjid na ito?” Kanyang sinabi; “Apatnapung taon, at saanman ninyo kinakailangang magdasal, magsagawa ng pagdarasal, sapagka’t ang mundo ay ginawa na lugar ng dalanginan.” (Muslim)
Ang Masjid Al-Aqsa ay itinayo ni Propeta Solomon, ang anak ni Propeta David. Si Abdullah bin Amr bin al-Aas ay nag-ulat na si Amr bin al-Aas ay nagsalaysay na ang Sugo ay nagsabi: “Pagkaraang maitayo ni Solomon (anak ni David) ang Masjid al-Aqsa, sinabi niya sa Allah na igawad sa kanya ang pamamahala at kaharian na wala pang nagkaroon nito, at wala nang dapat magkaroon pa nito pagkatapos, at sinumang papasok sa Masjid na ito upang manalangin ay magiging malaya sa kasalanan. Ang Propeta ay nagsabi: ‘At ang dalawa (sa tatlong kahilingan) ay ipinagkaloob sa kanya, at nananalig ako na ang ikatlong kahilingan ay ipagkakaloob sa akin’.” (Ibn Khuzaimah)
to ang una sa dalawang Qiblah (direksyon sa pagdarasal) kung saan ang Propeta ay humaharap sa oras ng kanyang pagdarasal at ang mga Muslim ay humaharap din dito bago pa sila pag-utusan na ibaling ang kanilang pagharap sa Ka′bah sa tuwing sila ay magdarasal. Noong Gabi ng Paglalakbay, siya ay pansamantalang huminto sa Masjid al-Aqsa, at magmula roon siya ay umakyat sa kalangitan. Pinamunuan niya ang mga Propeta sa pagdarasal nang gabing iyon (Gabi ng Paglalakbay). Ito ang ikatlong Haram (Sagradong Pook), pagkatapos ng Makkah at Madina